---KRISSANDRA---
Bench with Hyacinth
Malapit na yung uwian nasa bench kami ngayon ni Haya inaantay naming magbukas yung gate ng school, napa early kasi yung dismissal ng teacher namin ngayon.
" Haya may napansin ka ba kay Ollie?" sabi ko kay haya.
" Ang alin?"
" feel ko kasi parang may something, napansin ko kasi palagi na silang magkasama ni Xiannele, yung sa field trip tas ang saya nila pag magkasama sila" malungkot kong tugon.
" Ikaw ha,,ang drama mo, naiinggit ka no??" inasar ulit ako.
" May something kasi akong nararamdamang kirot with matching inis pag ganon yung eksena nila....Pano kung sila na ni Xiannele" nilingon ko naman si Haya.
" Pano kung sila na nga" napangisi naman siya sa akin..
"Tsss,,Haya!" hinampas ko naman siya.
" Aray naman,, ikaw lang naman, nag iisip niyan,,, parang baliw to"
" Ikaw kasi mukhang kampi ka pa kay Xiannele"
" Biro lang eto naman, syempre kampi tayo no,,,at yung mga tipu ni Xiannele, parang di naman yun yung gustong standard ni Ollie, maarte, OA,..tsssk."
Natawa nalng ako sa sinabi ni Haya. Ganun naman talaga ang linyahan ng mga bestfriend.
Few minutes ago ay nag bukas na yung gate, nagmadali akong mahabol si Ollie para magkasabayan kami sa bus, yun ang daily routine ko ang makasama si Ollie sa byahe, si Haya kasi iba yung way niya pauwi, ganun din si Josh at Jenny kami namang tatlo nina Lance ang Ollie, parehas ang daan pauwi, pero medyo malapit lang yung kina Lance at syempre kami ni Ollie nasa iisang lugar lang.
Masyadong marami yung studyante ngayon, kaya siksikan, hindi ko na rin nakita si Ollie, baka nauna na, kaya nagantay ulit ako ng susunod na bus, at makaraan ang ilang sandali ay may dumaan na ring bus agad ko yung pinarahan.
Pagpasok ko sa loob ng bus, ay wala nang bakanteng upuan, well sanay na ako dito, hindi ko namalayan na nasa harapan ko lang pala naka upo si Ollie at Lance magkatabi sila ng upuan, tumayo sila ng sabay at nagsalita.
" Sandra dito kana maupo"
" dito kana maupo baby girl"
Napasabay naman sila, rason para magkatitigan silang dalawa, napaseryoso naman ang mukha nila.
" Naku, okay lang, tatayo nalang ako" sabi ko sa kanila.
Napalingon naman sila sa akin.
" Dito ka na Sandra"
" Dito ka na baby girl"
Sabay ulit sila, napakunot naman ng noo tong si Lance kay Ollie, pero si Ollie relax lang siya.
" Sige na Sandra maupo kana" sabi naman ni Ollie.
bait naman...
" Okay lang sayo?" tanong ko sa kanya at napatango naman siya at tipid na ngumiti.
Ito namang si Lance napaka abnoy talaga, hinatak niya ako at pina upo sa upuan ni Ollie.
" Halika ka na baby girl, maupo kana, hayaan mo na yan si Oliver,,, mukha namang gusto niyang tumayo ee" may pagkasungit na tugon ni Lance saka tinitigan si Ollie.
YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
RandomMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...