---KRISSANDRA--
Nasa Third year na kami ngayon, tulad ng dati walang pinagbago, ganun parin yung school at mga kaklase ko, uniform at bagong noteboooks and bag lang ata nag nabago ngayon. Kasama ko parin ang couples of forever na si Josh and Jenny, adorable na si Hayacinth, at ang charming at pasaway na si Lance, at syempre si Ollie na, mahal na mahal ko.
Mag aapat na buwan na rin ang pasukan.
Late na akong pumasok ngayon...ay lagi pala....kalalabas ko pa lang ng gate nang makita ko si Ollie...Yieeee late naman kami.
" Ollie!" tawag ko sa kanya sabay ngiti, kilig ako ngayon.
Nakapamulsa niya lang akong nilingon, seryoso lang ang mukha niya, ganun naman siya lagi ee, patalon talon pa akong tumakbo papunta sa kanya, sabay na rin kaming naglakad patungong shed ng subdivision kung saan nag aantay kami ng bus.
Superrrr tagal talaga, at kung may dumaan man ay superrrrr puno naman. Nakalimutan pala namin na transport Strike ngayon kaya may tigil pasada, ayan tuloy walang masyadong bus na dumadaan. 7:30 ang start ng klase namin at 8:45 na ngayon, na consume na namin yung first period namin, absent na tuloy kami. Nauubuasan na ako ng pasensya, parang ayaw ko nang pumasok, kaso kasama ko si Ollie ngayon kaya ayaw ko umabsent siya kaya ang dahilan kung bakit perfect attendance ako sa school.
after 366 days ay may napadaan ding bus, medyo maluwag pa naman,, , yun ngalang naka standing ovation naman kami, uso naman yun diba, atleast nakasakay kami, nadaanan pa namin si Lance kaya nakasabayan pa namin yung ulol, isa rin kasi to sa kumakandidato sa pagiging late.
9:15 na nang makarating kami sa school at sarado na yung main gate, 8:00 palang kasi ay isinasara na yun ng guard, nagtungo kami sa pool area malapit sa oval ng school may isa pa kasing gate doon, ngunit sirado rin yun...
HAYYYY minamalas ata kami ngayon. May exam pa naman kami kay Sir Alfaro sa third period namin which is 9:45-10:45, kakatakot kaya umabsent dun, nangangain kasi yun.
" Anong gagawin natin?" tanong ko na nawawalan na nang pagasa.
Napatingin naman ako kay Ollie, na mukhang wala ring naiisip na paraan. Tiningnan ko naman si Lance, nakangisi naman yung ugok, nasiyahan pa ata.
" Hoy Lance! naisipan mo pa talagang ngumiti diyan" sigaw ko naman sa kanya, mukhang relax na relax lang kasi.
" Umabsent nalang kasi tayo, tutal hindi na tayo makakapasok sa campus" may pagkapilyo niyang sabi.
" May exam pa tayo kay Sir. Alfaro" seryosong sagot ni Ollie.
" Edi...pumasok ka dun kung gusto mo" masungit na sagot ni Lance kay Ollie.
" Tama si Ollie,,,alam mo ikaw Lance puro ka talaga kalokohan" sabi ko naman kay Lance.
Napasmirk nalang tong si Lance kay Ollie. Problema nitong Lance lagi kasi tong badtrip kay Ollie.
" Mag over the bakod nalang kaya tayo" seryosong sabi ni Ollie.
"ANO!/ WHAT!" sabay naming sagot ni Lance.
Alam niyo ba yung over the bakod? yun yung tumalon sa pader, sa di nakaka alam...now you know.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Ollie, pero mas ikinagulat ko ang sagot ni Lance, maka WHAT! para kasing inosente.
" Pano kung mahuli tayo ng guard" alalang sabi ko.
" Edi, hindi tayo magpapahuli" sarkastikong sagot ni Ollie.
YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
De TodoMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...