07

271 19 0
                                    

First day of taping!

Alas sais pa lang gising na gising na ako, nakapag jogging na ako, luto ng breakfast at naka ligo at gayak na rin. Alas otso ng umaga ang call time pero ayaw kong ma late sa first day ko.

Maganda rin ang gising ko dahil ang unang nakita ko kanina ay ang bulaklak na binigay sa'kin ni Raziel. The memories of last night played in my mind, nang matapos kong alalahanin lahat saka ako tumayo para mag jogging.

"Aga mo naman anak" sabi ni Mama. Nagkakape siya sa dining table habang nagbabasa ng newspaper.

Naghugas ako ng plato at mga kubyertos para makakain na kami.

"Ayaw kong ma late ma. Traffic pa naman ngayon" mas okay na maaga ako kaysa ang malate! Gusto ko rin makilala ang mga staff at iba ko pang makatrabaho, mas magaan kasi ang magtrabaho kapag kilala mo ang mga kasama.

Thirty minutes bago ang shoot nang dumating ako sa location. Nagse-set up na ang mga cameraman at ang ibang mga staff.

"Good morning po, ako po si Harriette Quizada" naki kamay ako sa mga staff na nakakasalubong ko. Tinuro nila sa'kin ang tent ko para makapaghanda na ako sa shoot.

Simple lang naman ang eksena ngayong araw, bahay ang settings at magb-vlog lang ako ng mga content ko. Paiba iba ng set up, hairstyle at damit dahil iba ibang content.

"Hi guys! This is Galaxy Dela Merced! Welcome to my vlog!" Nakangiti kong sabi habang hawak hawak ko ang cellphone ko.

"This is my first vlog and I'm recording it using my phone. I'm still new to this so beat with me, guys!" I let out a shy laugh.

"For my first vlog, I'll be doing the get to know me kind of a vlog where I share with you some facts about me. But first let me place my phone on this tripod, grabe nakakangawit pala ang mag vlog!" Natawa ako ulit, I struggled with the tripod kaya nag cut muna.

"Sorry po" natatawa na nahihiya kong sabi, ang hirap kasi i-set ng phone sa tripod using one hand. Hindi ko pwedeng bitawan ang phone since I'm 'vlogging' nga.

Binigyan nila ako ng instruction para mas mapabilis kong mainsert ang phone sa tripod, after a few tries nag proceed na kami.

"Cut! Nice take, Harriette! Lunch break na muna. Nag padala si Raziel ng pagkain" awtomatiko akong napahawak sa tyan ko nang mabanggit ang pagkain, kelangan ko nang mag recharge ng energy. Nakakapagod pala ang ilang beses magpalit ng damit at mag vlog. Hindi rin biro ang trabaho ng mga vlogger ha.

"Ako na dyan, ma'am"

"Hindi na, Jade. Ako na dito" nabasa ko sa ID niya ang kanyang pangalan. Nililigpit ko kasi ang mga ginamit ko kanina para sa quick make up tutorial na finilm ko. Madali lang naman 'yon.

"Dito ka, Harriette!" Tawag sa'kin ni Direk. Nagpasalamat ako nang ipaghila nya ako ng upuan sa tabi niya.

Maraming nakahanda sa mesa. May lechon belly, spaghetti, carbonara, kare-kare, mga ihaw at street foods. Nag heart shape ang mata ko nang makita ang mga pagkain. Tuwang tuwa ang lahat dahil sa masasarap na pagkain na nasa harapan namin.

"Bless us, O Lord, and these, Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty. Through Christ, our Lord. Amen." Sabay sabay kaming nag Amen.

Para bang nag fiesta dahil sa dami ng pagkain, may dessert pa! Nag kamay na nga kaming kumakain, habang kumakain ay nagkakamustahan kami. Unti unti ko silang nakikilala at nagpapasalamat ako sa kanila kapag pinupuri nila ako.

Sabi nila for a newbie magaling akong umarte, nahihiya tuloy ako.

"Eto oh" inabot sa'kin ni Kate, ang aking assistant, ang isang bote ng hand soap.

Even When It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon