EIGHTEEN
Natapos na ang unang subject namin kaya dumiretso na kami sa cafeteria. Si Xyrus na ang nag order kaya kaming tatlo naman ang naghanap ng mauupuan naming apat.
"So couz, ano na?" Biglang tanong sa akin ni Sabrina pagkaupong-pagkaupo namin.
"Anong ano na?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko makuha kung ano ang tinatanong niya.
"Tinatanong niya kung improving daw ba." Sabi naman ni Cooper sa akin.
"Improving? Ang alin?" Tanong ko ulit sa kanila. Ang gulo kasi nila magtanong.
"Nako couz, 'wag na mag-deny." Pagpupumilit pa nito sa akin. Minsan ang sarap na niyang sapakin na lang bigla.
"Ano ba ang idedeny ko? Kayo kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi niyo." Umiiling kong sabi sa kanilang dalawa.
"Yung something sa inyo ni fafa Red." Bulong sa akin ni Sabrina. Nababaliw na naman ang isang 'to, wala namang kung ano ang namamagitan sa amin ni Xyrus.
"Anong something ang pinagsasabi mo dyan? Magkaibigan lang kami nung tao." Paliwanag ko sa kanila
"Magkaibigan lang? Pang showbiz ang sagot girl ah." Sabi ni Copper. Isa pa 'to eh, kaya nahahawa ng kabaliwan ang pinsan ko eh.
"Eh ang showbiz din ng tanong niyo eh." Umiiling kong sabi sa dalawa
Tinanong pa nila ako ng tinanong ng mga bagay-bagay tulad ng anong pakiramdam ng makasama ang isang Xyrus Red Sandoval, mabango daw ba ito at kung anu-ano pa.
"Couz last na lang. Ano ba ang tipo niya sa isang babae?" Tanong muli ni Sabrina. Napaisip naman ako. Ano nga ba ang gusto ni Xyrus sa isang babae? Akmang magsasalita na ako ng may magsalita sa likuran ko.
"Simple lang. Yung katulad ni Ella." Ngumiti pa ito bago ilapag sa harapan namin ang in-order niyang pagkain namin.
BINABASA MO ANG
AbnormaLove (abnormal love)
Teen FictionAng gusto lang naman niya ay simpleng buhay. Gusto lang naman niya ay mahalin siya ng sarili niyang ina. Pero imposible ata 'yon, dahil mas mahal pa nito ang business nila kesa sa sariling anak. Pero isang araw na hindi niya namalayan ay may lalakin...