JAMAICA'S POV
"Bakla ka! Bakit ang tagal naman ng lalaking hinihintay natin? Darating pa ba 'yon?" Pang-sampung tanong ni Maricar sa'kin dahil kanina pa kami naghihintay dito sa labas
Luminga-linga ako at agad nanlaki ang mata ko nang makita si Raph na papalapit dito sa kinaroroonan ko kaya agad kong hinampas si Maricar at si Arnel "nandyan na siya! Maayos ba mukha ko? 'Yong foundation at lipstick ko ayos lang ba?" Hysterical na sabi ko pero hindi nila ako pinansin
"Huh? Nasaan siya?" Kunot-noong tanong ni Arnel habang nakatingin sa mga taong dumadaan "Oh my gash! Bakla ka, nakita ko na! 'Yong nakasuot ba ng black jacket at naka-ripped jeans 'yong papable mo?!" Baklang-baklang tanong niya na akala mo ay nakakita ng ulam
Tumango ako sa kanya kaya sinabunutan niya ako "A-ano ba! Huwag mong guluhin ang buhok ko! Bitch!" Pinalo ko ang kamay niya kaya binitawan niya ang pagkakahawak dito at humarap ako sa paparating "Raphael! Here!" Winagayway ko ang kamay ko kaya agad siyang napatingin at lumapit sa'kin
"Did you wait for too long?" Bungad niya sa'kin na agad ko namang kina-iling
"N-no, actually makalabas lang din namin ng mga kaibigan ko" ngiting saad ko sa kanya at tumingin ako sa dalawa kong kaibigan at pinanlakihan sila ng mata "diba?" Agad naman silang tumango
"Yeah HAHAHAHA kakalabas lang namin" pilit na tumawa si Maricar at patago akong siniko "By the way, I'm Maricar Smith nice to meet you" nilahad niya ang kamay niya tinaggap naman ito ng isa
"I'm Raphael Salazar" nakangiting aniya "So you are Jamaica's friend?"
"Yeah, we're best friends since---" hindi na naituloy ni Maricar ang sasabihin niya dahil natawa siya kay Arnel
Nag-cling siya sa braso ni Raph at hinawakan ang dibdib nito "You're so pogi naman kyah!" Gigil na sabi nito at kinurot-kurot ang braso niya "Ang muscles mo...so yummy!" Linapit niya ang mukha niya kay Raph kaya naman napalunok ang isa "Do you want to go in a motel with me?" Kagat-labi niyang tanong kaya naman napailing ako at nilayo ko si Raph sa kanya
"Bakla ka talaga! Mahiya ka nga sa kanya!" Asik ko kay Arnel kaya naman humagikgik siya at tumingin ulit kay Raph
"Sorry kyah!" He mouthed kaya pilit na ngumiti si Raph sa kanya "I'm Arnel Reyes nga pala, Nel for short and bb for shorter!" Malanding aniya kaya kinurot siya sa tenga ni Maricar
"Kelan pa naging bb ang pangalan mo?" Nandidiring tanong niya dito
"Ngayon lang" nakangiting aniya "depende kay kyah kung baby ang itawag niya sa'kin o bb" kinikilig na dagdag niya
Tumingin ako kay Raph "Pagpasensyahan mo na 'yang baklang 'yan ah? Takas 'yan sa mental eh" nahihiyang sabi ko kaya natawa siya
"It's okay" tumingin siya sa relo niya "Alis na tayo?" Tanong niya at tumango ako, nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko at nagbeso
"Enjoy your date!" Nakangising sabi ni Maricar kaya kinindatan ko na lang siya
Pagkarating namin sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse kaya hindi ko maiwasang mapangiti, he's gentleman. Pinainit niya muna saglit ang makina bago kami tuluyang umalis.
"Where are we going today?" Agad na tanong ko sa kanya dahil kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip sa kung saan niya ako dadalhin ngayong araw
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Teen Fiction"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!