CHAPTER 15: WE SHOP, I DROP
“Para kang holdapper” Sabi ko sa kanya. Nakasuot siya ng shades, cap, at jacket kahit na nakauniform parin sa loob. Ako naman, naka-uniform parin.
“Okay na ‘to. Kaysa may mangyari pang masama satin.” Sabi niya nang hindi lumilingon kasi naghahanap siya ng magandang uri ng bag.
“Effective ba yan? Baka pumalya pa. Edi kawawa ka, damay ako.”
“Well, most of the times. Eto, gusto mo ‘to?” Pinakita niya sa akin ang bag na kulay pink tapos may unicorn pa sa harap.
“Seryoso ka? Anong akala mo sa akin? Grade 3? Bakit ba kasi nandito tayo? Nandun yung pang teens eh” Sa totoo lang, di ko siya pabibilhin dito. Pinagtitripan ko muna siya. Ayoko nga dito. Ang mahal-mahal eh. Mahiya naman ako kahit onti.
Mga isang oras na kaming nagtuturuan ng bag. Magaganda naman eh. Malamang, mall ‘to tapos branded yung mga bag. May nagustuhan na rin ako kaso, mygoodness! P2,500!
“Ano bang gusto mo?!” Naiirita niyang sabi.
“Yung kagaya nga ng bag ko!” Pero alam ko namang wala ng kagaya yun.
“Eh wala na ngang ganun!”
“Edi sige, ihanap mo ako ng transparent na bag.” Sabi ko nalang sabay upo sa sofa ng mall.
“Kung plastic lang din pala ang gusto mo, edi sana nanghingi nalang tayo.” Ginusto mo yan, Enzo. Sabi mo bibilhan mo ako? Wahahahaha!
“Hindi plastic, basta bag na transparent.” Para akong demanding na girlfriend kung umasta. Wait, no. Wag girlfriend. Demanding na anak pala.
“Miss!” Sumuko na. Haha. Tumawag ng sales lady. “May transparent na bag ba kayo dito? Yung pinaka mahal at pinakamaganda para makuntento na siya.” Sabay turo sa akin. Kung alam lang niya, na ayaw ko nga yung mahal!
“E—enzo? OMG! Ikaw ba yan?” Kinikilig yung sales lady! Nahalata pa niya yun?
Taray mode, activate! “Hoy, bakit ka kinikilig?” Tumayo ako at hinarap si ate. “Si Enzo man yan o hindi, hindi ka dapat nagpapacute! Costumer kami diba? Ano bang uunahin mo? Landi o trabaho mo?” Yumuko lang yung babae at tumang-tango. Tawa lang ng tawa si Enzo.
“Ah . Eh. Sorry Ma’am. This way po sir.” Sumunod kami ni Enzo sa sales lady.
Aba! Akalain mo?! May transparent na bag pala talaga?! “Oh, Amanda, kumuha ka na.”
“Nagbago na isip ko eh. Ayoko na pala niyan. Wala naman akong mapili dito eh. Halika na, labas nalang tayo.” Nanlaki ang mata ni Enzo.
“Whoa! What?! Seriously? Sa dinami-dami ng bag dito, wala kang nagustuhan?! Ano bang gusto mo? May gulong?”
“Halika na, ihahanap mo pa ako ng bag na may fireworks kapag binubuksan.” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...