Poser siya!

22 3 3
                                    

Days passed.

Hindi pa din siya pumapayag na makipagkita, kaya mas pinili ko na lang na wag pansinin siya.

"ayokong sayangin ang  oras ko sa mga taong di kayang magpaka totoo sa sarili" sabi ko sa sarili ko

Tumunog ang Laptop ko, alam ko naman na si Adrian yun kaya di nako nag atubiling basahin ang message na yun.

Maya maya'y tumunog ang cellphone ko.

Pangalan ni lindsay ang tumambad sa screen ng cellphone ko.

"Hello"

"Hello! Sandra! Sumunod ka dito sa greenbelt!" Lindsay

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lindsay.

"Huh? Bakit? Tinatamad ako lumabas ng bahay eh"

"Basta! , natatakot ako eh." Lindsay

"Pinagsasabi mo?!"

Hindi na siya sumagot, kaya ibinaba ko na lang ang tawag.

"Hayst ano ba problema nun?" Tanong ko sa sarili .

At dahil nga sa tinatamad talaga ako, inihiga ko nalang ang boung katawan ko sa kama.

Pero hindi ako makatulog.

"Kanina lang, gusto kong matulog pero ngayon ayaw ako patulugin" sabi ko habang kinuha ang isang unan at idinagdag ko sa unan na nakapatong sa ulo ko.

After 10 mins. Nag decide na lang ako na umalis ng bahay at pumunta na lang ng greenbelt.

Simpleng pullover lang ang dinamit ko at binagayan ko ng flat shoes.

"Ang liit ko nga talaga, hindi bale maganda naman" sabi ko habang nakatingin sa salamin

konting lagay ng pink lipstain sa labi.

Hindi ko na ma contact siLindsay, tatanungin ko sana siya kung saan siya banda, napaka dami kasi ng greenbelt sa makati, imposibleng mkita ko siya sa liit kong 'to.

"Pst!" Lindsay

Tumingin ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Lindsay, nakatago siya isang malaking halaman.

lumapit ako sa kinatatayuan ni lindsay at sinabing "Anong ginagawa mo diyan?! Baliw ka na ba?!"

Hinatak niya ang braso ko.

"Ouch! Ano ba?"

"May sasabihin ako sayo, seryoso ako sandra sa sasabihin ko."Lindsay

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. At may binulong siya sa akin

"Kanina pa kasi may sumusunod sakin sandra, natatakot ako baka anung gawin sakin." Natatakot na saad ni Lindsay

Nagulat ako sa sinabi ni Lindsay at medyo kinabahan para sa kaligtasan naming dalawa.

"Ayan na siya! " tinuro ni Lindsay ang isang maskuladong lalaki, at halata nga sa mukha ng lalaking iyon na gagawa siya ng masama.

Nahuli kami ng lalaki na nakatingin sakanya , kaya tumakbo siya papalapit samin

"Tumakbo na tayo!" Lindsay

Tumakbo nga kami.

Tumakbo kami na parang wala ng bukas.

Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi man lang kami maabot abutan nung humahabol sa 'min? Atsaka bat walang ginagawa ang mga security guard na nadadaanan namin?

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon