15. FLORENCE

348 18 3
                                    

May mga bagay na pag nalaman mo, ikaloloka mo at ikayayanig ng pagkatao mo. May mga bagay na pag sinabi sayo ay hindi ka makakakilos sa sobrang gulat. O pwede ring dahil sa hindi mo talaga alam ang isasagot kasi kahit minsan ay hindi sumagi sa isip mo na sasabihin sayo ang bagay na yun.

Ganun ang pakiramdam ko nang magtapat sakin si Geoff.

Feeling ko may mali sa nangyayari, kasi hindi talaga pwedeng gusto niya ako. Parang iyon na ang pinakaimposibleng pwede niyang sasabihin sakin.

Niyakap niya pa ako nang mahigpit pagkatapos niyang sabihing mahal niya ako. Ako naman itong nagulat, hindi na ako makakilos kasi nga tumambling na sa outer space ang diwa ko. Hindi rin nakatulong na ang bango-bango niya at napakakomportable ng yakap niya, you'll get the feeling of assurance in his hug.

Pero pinilit ko ring kumalas mula sa yakap niya kasi ang awkward lang sa pakiramdam. Tinitingnan niya ako ng seryoso. Naghihintay siya sa sagot mo, Florence.

"Florence..." sambit niya at namula na naman ako bigla. Kaloka, ultimo pagbigkas niya ngayon sa pangalan ko awkward na.

"Geoff... ano kasi... Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin... Sinabi ko na kanina... Hindi ko ito inexpect..."

"I know," sagot niya agad na nakangiti. "Sabi ko rin naman sayo, di kita pinipilit na magreact ngayon agad... Ang sakin lang, sana hayaan mo akong ligawan ka."

Ay, kaloka na talaga ito. Jusko, ano kayang hangin ang umihip dito kay Geoff Alejandre?

"Please, Florence. Hayaan mo sanang ligawan kita..." sabi niya pa. "Gagawin ko lahat para sayo..."

"Geoff, teka lang ha," sagot kong naloloka na ng bongga. "Unang-una, hindi mo kailangang magpaalam sakin kung gusto mong manligaw. Kasi diba kung pursigido kang manligaw sa isang babae, di ba di mo na kailangang magpaalam pa? Pangalawa, nabigla talaga ako sa super duper revelation mo at di ko pa alam kung pano kita mapakikitunguhan ng walang halong awesome awkwardness kaya sana maintindihan mo kung maiilang na ako sayo from now on. And lastly, kung totoong may gusto ka sakin sana wag mong ipagkalat sa iba kasi ayokong tuksihin sa bahay o dito sa school. Lalo naman ni Imari."

Nakita kong bahagyang sumimangot si Geoff. "Florence, bakit ba hindi ka naniniwalang gusto kita? At saka nandidiri ka ba sa idea na pwede tayong magkaroon ng romantic relationship?"

Pinandilatan ko siya sa sinabi niya. "Hindi sa nandidiri ako. Napaka-shocking lang kasi. Hay, dapat ko na bang taasan ang level ng self-confidence ko kasi pangatlong boylet ka na na nanliligaw sakin?"

Natawa si Geoff at napakamot sa ulo. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa naging reaction mo."

Huminga muna ako nang malalim. "Geoff, seryoso ka ba talaga diyan sa sinasabi mo?"

"Yes, Florence. Ninety-nine point ninety-nine percent sure."

"Bakit di one hundred percent sure?"

"Wala kasing pag-ibig na perfect. Wala ngang forever eh, kaya yung one hundred percent na love pa kaya?" sabi niya. Kinindatan niya pa ako at natawa naman ako.

"Kaloka ka talaga Geoff," sagot ko at sumeryoso ako. Kelangan mo siyang prangkahin Florence. "Makinig ka, Geoff Alejandre. Kahit nawiwindang ako sa sinabi mo at kahit napaka-unbelievable ay gusto kong magpasalamat sayo. Salamat kasi nakaka-flatter na gusto mo ako. Pero Geoff, wala talaga akong feelings para sayo eh... Sorry."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon