The After Shock

21 3 0
                                    

*Andrei's VP*

"Waahhh, paano na!" Ginulo gulo ko ng bahagya ang buhok ko.

"Pumayag ka na kasing maging model ng company namin, kasama mo naman ako eh" pamimilit ni Alex.

"Hindi nga, sa company namin siya Alex, sasamahan ko naman siya magdeliver eh, diba Andrei" At binelatan pa talaga ni Kurt si Alex. At nagsimula na naman magkulitan yung dalawa

Nandito kami ngayon sa canteen, kasama ko si Alex at ang new friend kong si Kurt Aeus yung nakilala ko sa party. Ewan ko ba o ako lang to, feeling ko mas matagal ng magkakilala itong dalawa eh kapapakilala ko lang naman kanina sa kanilang dalawa, sabagay pareho kasi silang makulit eh.

Oo nga pala, Kanina pa nila akong kinukulit na magtrabaho sa companya nila, dahil nga sa nangyaring aksidente kay mama, hindi siya makakapagtrabaho for 1 month, though binibigyan kami ng tulong mula sa company ni Alex, ayoko naman na umasa nalang doon kaya ngayon naghahanap ako ng trabaho.

May natanggap pa nga akong sobre eh, na may nakasulat na "compensation" pero hindi ko alam kung kanino galing. Nakita ko lang kasi sa harap ng bahay namin.

"No, sa akin siya magtatrabaho" sabay sabay kaming napalingon kung saan galing yung boses, at..

"Keann?" Takhang tanong ko.

"Yes, I've already introduced you to my clients kaya hindi ka na pwedeng tumanggi" sagot niya

"Wow nosebleed kuya, marunong ka na pala mag english eh di kahit hindi na" sabat ni Alex.

"Hindi naman ako slow learner noh, at isa pa magaling naman kasi magturo si Andrei." Wow, pinupuri ba niya ako? "Kahit na tatanga tanga minsan" aray, ok na sana eh, mahal na sana kita Keann eh, kaya lang bumawi ka pa ehh.

"Eh di ayoko nalang, kila Alex at Kurt nalang ako" kainis naman kasi eh. Teka sa dalawa ako pumayag? So mahahati na ang katawan ko? my bad!

"Hindi pwede, hindi pa tapos ang kontrata mo sa akin as my tutor." Kontrata? Pumirma ba kami nun? "Ikaw din mafefailed ang grade mo sa English" oo nga pala "Kaya no choice ka na, ikaw na ang magiging secretary ko mula ngayon."

"Huwat? Secretary?"

"Oo nagresign yung secretary ko exactly the day ng Party, nagkaroon daw ng problema sa probinsya nila, kaya si Andrei ang inisama ko noon sa Party" paliwanag niya

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon