Chapter 20-Double Date (PART 4)

523 31 8
                                    

Lira's POV

"San mo ba ako dadalhin?!"inis na sigaw ko kay Anrisse,kanina nya pa ako hinihila,nag excuse kami saglit sa dalawa at sigurado akong pinagkakaguluhan na ng mga babae ang dalawang yun na iniwan namin sa harap ng horror house.

Naninigas pa nga sila sa takot ng iwan namin e.

"Basta malapit na hahaha!"napangiwi ako sa tawa nya na pang demonyo.

"Here!"itinuro nya ang malawak na covered court na marami rami nang tao sa loob.

Tinaasan ko siya ng kilay "anong gagawin natin dyan?" Pumamewang naman sya

"Duh!tara!"hinawakan nya ulit ako sa braso at dinala sa loob,lumilinga linga siya sa paligid.

Sobrang iingay at dami ng tao,may mga napapatingin pa sa amin,karamihan ay lalaki.

May tinawag na lalaki si Anrisse na nakakulay red at may nakasabit sa leeg na parang malaking i.d. na may nakasulat na 'STAFF'

"Diba kulang pa ng tatlong contestant sa boy at tatlong contestant din sa girl para sa Mr. And Ms. Gallegoz?" Biglang ngumiti ang staff

"Kumpleto na po sa girl,sa boy po dalawa ang kulang" nginitian ako ng nakakaloko ni Anrisse,ngumiti din ako ng ala demonyo dahil alam ko ang binabalak nya.

"Ah Sir!meron po kaming isasaling dalawang contestant"ngumiti ng malaki ang lalaki animo'y yun na ang pinakamagandang balitang natanggap nya sa tanang buhay niya.

May dumating din sa likod niya na tatlong babae at isang lalaki,na parang sumaya din.

"Talaga ho?!tamang tama po,galit na po kasi yung organizer eh!paki tawag nalang ho sila para makapirma sila doon"tumango ako

"Salamat naman!"
"Goodnews yan"
Mga segunda ng mga staff na nakapula rin sa likod niya

"Pero hindi po sila kagwapuhan ah?"pag papa alala ni Anrisse,natawa ako "wag po kayong mag expect" dagdag pa niya at sabay kaming natawa

"Ayos lang ho,kahit mukhang aso pa basta makumpleto lang"natatawang sabi ng isang babae,natawa naman kaming lahat

Tumingin sa relo ang isang lalaking staff "30 minutes nalang start na,nasaan po ba sila?" Tumingin sakin si Anrisse

"Call him,I'll call Marcus"tumango ako at kinuha ang phone ko para matawagan si Ken

'hello?'

'Yes,ML?where are you?'

'Pumunta ka dito sa covered court,bilisan nyo ah?'

'yes,Love-'pinatay ko na agad ang tawag dahil ang corny nanaman niya.

"Hintayin lang namin sila sa labas"paalam ni Anrisse sa mga Staff

"Sasama na po kami para masamahan narin namin sila sa backstage"tumango ako

Agad kaming lumabas at hinintay yung dalawa,pagkalipas lang ng mga sampung minuto natanaw na namin silang lumilinga sa malayo.

"Unggoy!"napangiwi ako at humawak sa kanang tenga dahil sa napakalakas na sigaw ni Anrisse,napatingin samin ang ibang mga tao kasama narin sila Ken.

Naglakad sila palapit samin,nakita ko pa sa paligid ang impit na tili ng ilang kababaihan,hindi narin matanggal ang mga malalanding mata nila sa dalawa,napailing ako.

"Bat niyo ba kami pinapunta dito?!"inis na tanong ni Marcus kay Anrisse,tumaas naman ang kilay ni Anrisse nakaakbay sa kanya ang isang lalaking Staff na,hmm gwapo rin,hinila ni Marcus ang wrist ni Anrisse para makawala siya dun sa staff.

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon