TWENTY ONE

21 2 0
                                    


Kasalukuyan akong paikot-ikot sa loob ng training room, malapit na ang tanghali ngunit hindi ko alintana ang gutom na kanina ko pa nararamdaman. Tagaktak ang pawis sa aking katawan dahil kakatapos ko lang maglaro ng darts, ang larong muntik nang tumapos sa aking buhay kung hindi ako tinulungan ni Rowan.

Si Klaurithyia naman ay hindi magkamayaw sa pagsasanay ng kaniyang kapangyarihan, maging siya'y binabalot din ng kaba at takot. Muntik pa niyang masira ang royal gandiva bow dahil sa pagkabalisa, kaya niyang kontrolin ang lahat mg mga bagay na nakapalibot sa kaniya kahit ilang daang metro ang layo.

Dumagdag pa sa problema na hindi ko pa alam kung ano ang kapangyarihan ko at kung mayro'n ba ako no'n, pakiramdam ko'y wala talaga akong silbi. Ilang sandali oa ay bumukas ang pinto at binungad nito si Azraell, napatigil kami ni Klaurithyia at napatayo ng tuwid.

"Maaari ka nang magpatuloy sa iyong ginagawa Klaurithyia, sa aming dalawa lang ito ni Carlynne" wika ni Azraell, yumuko naman si Klaurithyia at lumayo na sa amin.

"Hindi pa natin alam ang kapangyarihan mo dahil hindi natin ito agad nalaman no'ng bata ka pa, kaya kung anuman ang binabalak mo ngayon. Nakikiusap akong h'wag mo nang ituloy, kami na ng mga guro ang bahalang maglutas nito" paliwanag niya, napayuko naman ako ayokong makita niya na tutol ako sa plano niya.

"Alam ko ang nararamdaman mo, ikapapahamak mo ang iyong gagawin. H'wag ka nang magmatigas Carlynne, the problem will only get worse if you're going to continue your plan" napatingin ako sa kaniya, kahit saang anggulo naman tingnan ay tama naman siya, timango nalang ako at tumango ng kaunti.

"Salamat at inintindi mo ang sitwasyon nating ito, dont worry. Maglalagay ako ng mga bantay sa kwarto mo mamayang gabi, kaya h'wag ka nang mangamba. Bukas na bukas ay makakabalik na ang dalawang taong mahalaga sayo" paninigurado niya, ngumiti nalang ulit ako at muling tumango.

Tinapik niya ang balikat ko at lumabas na ng kwarto, napa-upo ako sa silyang nasa likod ko.

"H'wag kang mag-alala, gagawin nila ang kanilang makakakaya dahil responsibilidad nila ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral dito" saad ni Klaurithyia, nasa likod ko na siya at naka-upo sa may katabing silya.

"Nakakainis, wala man lang akong magawa. Wala man lang akong maitulong, ang mas nakakaputangina pa ay nangyayari itong lahat dahil sa'kin" hindi ko namalayan na napatayo na pala ako at napahalukipkip.

"Hindi, kung mayro'n mang dapat sisihin dito, 'yung walang hiyang arius na 'yon. Kung hindi lang siya nagpaka-ganid at nagpaka-gahaman, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat" paninisi niya, parang gano'n lang naman 'yon e. Kahit anong pweding gawing rason, ninuno ko pa rin ang putanginang buwaya na 'yon.

"Tama si Headmaster h'wag ka nang magbalak ng kung ano-ano na ikakapahamak mo dahil mas importante ang kaligtasan mo" dagdag niya Napalingon ako sa kaniya.

"Anong gusto mong iparating Klaurithyia, na mas mainam na mamatay sila para lang maligtas ako? Aba! Do you think, if that'll happen... It's going to end na like matatapos na lahat? Do you think that they will stop? Just like that? May magagawa pa tayo, alam mo 'yan kaya h'wag na h'wag mong sasabihin sa'kin na mas importante ang kaligtasan ko dahil simula no'ng makatapak ako sam mundong ito. Kaibigan ko na si kapahamakan at palagi nang nakabuntot si Kamatayan" sermon ko at nagbuntong hininga, gulat at tulala naman siyang nakatingin sa akin ngayon.

"Sa tingin mo ba, ang pagsuko mo sa iyong sarili lamang ang makakaligtas sa lahat ng ito?" Seryoso niyang tanong habang naka-upo pa rin, nag dekwatro siya at seryosong nakatingin sa'kin.

"Oo, magmula nang dumating ako dito. Ako na ang pakay nila 'di ba?" Banat ko. Napapikit naman siya sa inis at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"May magagawa tayo ngunit hindi ang iniisip mo, there's something that I think is better. Mas ligtas, mas madali at mas may chansang magtagumpay tayo" wika niya at dahan-dahan naman akong napatingin sa kaniya.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now