Unang Yugto

7 2 0
                                    

Matapos kung basahin ang mga librong nakalagay sa isang kahon ay pinasunog ko ito sapagkat wala itong mga silbi nyeta.

"Tawagin mo yung taong naghatid nitong librong nasa kahon, ibigay mo sa kanya ang isang librong di ko pa pinapasunog. Isapak mo sa kanya at sabihing mga walang kwenta sila"  Sabi ko matapos kung pinapatawag yung Dama(yaya) sa mansyon.

Nababagot na ako dito. Kaytahimik ng mansyon magmula noong nawala yung pinakamahalagang tao dito. Sa sobrang tahimik para bang nabibingi na ako.

*Knock*

Napataas ang kilay ko ng may nadinig akong kumakatok sa pintuan.

"Apo? Ako ito nais ko lamang ipaalam sa iyo na,bukas na ang  pasukan ng paaralan kinakailangan mong mag impake sapagkat hindi ka dito sa mansyon uuwi kundi doon sa mansyon ng Familia Guineverre, sa Ona(Lola) mo" sabi ni sa kin ni Lolo ImVerald Rivera .

Pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Masusunod Grandpa" sabi ko bago yumuko bilang pagbigay galang.

Tumango lamang ito saka umalis.
Hindi ko yata kayang iwan si Grandpa dito. Baka sumugod na naman ang mga di kinikilalang mafia. Ayoko nang maulit pa yung nangyari noon. AYOKO
Pero kinakailangan kung mag aral sapagkat ako ang tagapagmana ng kanyang ari arian lahat. Dahil ako lang yung pinagkakatiwalang apo ng Grandpa sa tatlo kung kapatid ako lang ata yung kinakausap niya. Ni minsan di siya matawag tawag na Lolo ng tatlo kung kapatid sapagkat kawalan iyong respeto para kay lolo dapat tawagin siyang 'Highness'.

Alam kung nalilito kayo pero malalaman niyo rin yan pagdating ng ilang yugto.

kinabukasan.

"SCARLETT ZIADEN GUINEVERRE-RIVERA,  GUMISING KA NA KUNG AYAW MONG MAKATIKIM NG SHURIKEN"  agad akong napabalikwas ng bangon. Putapeps. Kingina andyan na naman ang QUEENgina . Sino pa? Yung lola kung abot hanggang sa kwarto yung tinig Queengina.

Dali dali akong pumasok sa banyo upang ako ay maglinis sa aking katawan. Matapos ang aking ginagawa saka lamang ako lumabas ng kwarto at pumasok sa Limousine na dala ng aking Lola. Bago kami umalis ay nagpaalam muna kami ni Lolo.

"Mag iingat kayo asawa" malambing na sabi ng aking lolo saka niya hinalikan sa pisngi yung lola ko. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay napapaamo pa rin ng lola ko yung kataas taasan sa aming pamilya at sa buong mafia.

Ng makarating kami sa Guineverre Mansion ay dali dali akong pumasok sa mansion at di pinapansin ang mga tao roon sapagkat akoy matutulog. Nakakapagod.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Next episode ~>
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Dangerous Girl Over TigersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon