-Wella POV-
"Oh Wella, bakit ang aga mo yatang nagising ngayon? Nagugutom ka na ba? Hindi ka pa kumain kagabi ah, ni hindi mo nga ako pinansin noong umuwi ka rito. Gusto pa sana kitang tanungin kung kamusta ang buong araw mo at kamusta ang paaralang pinasukan mo. Napakaraming katanungan----" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang aking Ina, dahil nakakarindi na sa tenga ang kaniyang bunganga.
"Oo na Ma, Obvious naman na napakarami mong tanong sa akin eh. Umagang umaga Ma, tararat ka na naman ng tararat. Bakit hindi ka nalang nag rapper? Tutal mas magaling ka pa sa pinakamagaling na rapper sa buong mundo." sabat ko, habang kinukuha ang mga susuotin kong uniporme.
"Aba! Ikaw talagang bata ka!" sigaw ng aking Ina, kasabay nito ang pagtiris niya ng aking tenga.
It's so hurt!
Mesheket!
My precious ears!
"Ma! Tama na! Tama na! Maliligo na ako, bawal pa naman akong malate ngayon." pagmamakaawa ko sa aking Ina.
Naramdaman ko naman ang pag-alis ng kaniyang kamay sa aking tenga.
"Ano bang nangyari sa'yo kahapon ha? Ni hindi ka kumain, nakipagusap sa akin, at higit sa lahat natulog ka nalang bigla. May nangyari bang masama?" Tinignan ko naman ang aking Ina, na nakapameywang sa aking harapan.
"Ma naman, maliligo na ako."
"5:30 ng umaga pa lang, ang aga mo namang maligo at pumasok! Tsaka makakaligo ka lang kung na sagot mo na ang mga katanungan ko. Aber, hindi ka nag kwento kahapon kaya ngayon ka magkwento sa akin."
Pinikit ko ang aking mga mata, tsaka ko minulat ulit. Nag exhale at inhale pa ako, bago nagsalita.
"Ma so ano? Kunwari ikaw si Boy Abunda at ako naman ang guest mo? So tanungan portions ang peg mo?"
Napansin ko naman sa mukha ni Mama ang pagkunot ng kaniyang noo. Akala ko ay maiinis at magagalit ulit siya sa akin, ngunit nagkamali ako. Dahil ang kaniyang kunot na noo kanina ay napalitan ng pagngiti sa labi.
"Tama ka! Ngunit hindi nga lang ako boy, pero pwede mo rin naman akong tawaging Girl Abunda. Kaya taralets fasttalk na!" Gumewang gewang pa ang aking Ina sa aking harapan.
Tumaas naman ang kanang kilay ko at umangat ang pang-itaas kong labi.
"Ma, si Boy Abunda tinawag siyang Boy kasi nga lalake siya pero don't no lang kung straight siya. Tapos yung Abunda naman, apelyedo niya. Kaya hindi kita pwedeng tawaging Girl Abunda, maliban nalang kung naging kayo na ni Boy Abunda."
"Aba! Kung hindi mo ako pwedeng tawaging Girl Abunda, ano ang dapat mong itawag sa akin kung ganoon?"
Linagay ko naman ang aking kanang kamay sa aking baba, tsaka ako tumango-tango na animo'y nag-iisip ng bright idea.
Bigla akong napataas sa aking kamay, "Alam ko na." ngumiti naman ako ng nakakaloko. "Tutal babae ka, tatawagin kitang Girl. Tapos tutal apelyedo mo ay Laitera. I will combine it, so magiging GIRL LAITERA kana Ma!" Nakangiting dagdag ko.
Nakita ko naman ang paglaglag ng panga ni Mama at ang pag-awang ng kaniyang labi.
"Ako?" tinuro naman niya ang kaniyang sarili. "Tatawagin mong Girl Laitera? Anak naman, alam mo namang ni minsan hindi ako nanlait sa kapwa." Agad naman niyang hinawakan ang aking magkabilaang pisngi. "Anak, ikaw angnararapat na tawaging Girl Laitera, dahil mapanlait ka sa kapwa."
"Ma, ang layo na ng usapan natin. Mas malayo pa sa La Union papuntang Manila. Kaya please Ma, I need to take a bath na." pang-iiba ko naman sa aming usapan.
BINABASA MO ANG
Wella Laitera
RomanceWella Laitera is the girl who lait-lait her kapwa. She can't stop her bunganga, until you're magmakaawa. But, what if? She will met Jayden Benedicto? Ang lalakeng laitero, like her? Magkakasundo kaya ang dalawa, dahil pareho silang mapanlait sa kap...