Salamat sa lahat

11 2 1
                                    

Salamat sa lahat
ni: jerseylaranjo


Ito'y isang karerang hindi ako handa,
Hindi nakapag warm-up kasi nga bigla,
Ang karerang sinimulan mo na may halong pandaraya,
Wala pa kasing pito, agad kanang nagsimula.

Kwentuhan at tawanan mga ating pinagsamahan,
Mga kilig na tagos sa bawat kalamnan,
Isa mopa ang mga cheesy lines na iyong binitawan,
Diba't kaysaya natin?
Nung una ngalang.

At ngayong nagsimula na ang karera,
Na ang maglalaban ay tayo lamang dalawa,
Hindi ko maiwasang mapasigaw ng "HINDI ITO TAMA!",
Wala pa kasing pito, agad kanang nagsimula.

Agad kanang nag move-on habang minamahal pa kita,
Habang ika'y aking pinapatawa sa iba kana sumasaya,
Yung "good morning" ngang dapat ay sakin ay sa kanya napunta,
Yung "I love you" pa kaya? Ngayong mahal mona siya.

Oo aaminin kong sariwa pa ang sakit,
Ngunit mapipilit ba kitang huwag akong ipagpalit?
Hindi naman diba?

Ang puso mo kasi'y sa kanya na nakapiit,
At wala ng laban ang tulad kong singkit.

At ngayong tapos na ang karera,
Gusto kolang magpasalamat sa lahat sinta,
Salamat sa panandaliang kilig at saya,
Sa mga cheesy lines na sa aki'y nagpatawa,
Pati narin ang pagpili mo sa kaniya,
Dun ka naman masaya hindi ba?
Papalag paba ako?
Syempre hindi na.
Mahal kasi kita...

Salamat sa sakit na aking nadarama,
Sa araw-araw na pangungulila ko sayo sinta,
Sa pag-iyak tuwing naaalala ang moments nating dalawa,
At sa pagpaparamdam na hindi na ako at siya na.

Ng dahil dito ako'y natuto,
Na hindi ko makukuha lahat ng gusto ko,
Lalo na kung tulad mo namang manloloko,
Na hindi nararapat sa seryosong tulad ko.

Ngayon ay huling beses kona itong sasabihin sa iyo,
Salamat sa bawat saya,
Salamat sa bawat sakit,
Salamat sa lahat, malaya kana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon