Transferee Gone Wrong

3 0 0
                                    


Dear Notepad,
          Enrolled na ako!!!! At super mixed emotions lang ang nararamdaman ko now kasi you know naman na from province pa ang ate mo gurl HAHAHA MINDANAO to be specific at ngayon lang ako makakapag-aral sa Manila💕 Buti nga pinayagan na ako nila mama eh btw Grade 8 na pala ako bukas HAHAHA skl .

YAM's POV
                        2nd Day of School
   Opo alam ko na weird ako kasi sa Notepad ako nagpapahayag ng aking damdamin bakit ba katamad kaya magsulat sa diary tsaka mamaya may makakita pa na iba diba?😅 Atleast safe and sound lang yung kaganapan sa buhay ko🤣. Daldal ko no? Mamaya kasi di na ako makakapagdaldal baka ijudge nila yung accent ko hays bahala na nga
   Yow nasa school na ako at super halatang transferee si inday kasi wala pa akong uniform . Kasama ko nga yung tita ko kasi di pa ako marunong magcommute HAHAHA di naman kami maharlika kaya alaws kotse. Btw to be honest parang gusto ko nalang bigla magpadrop at bumalik sa probinsya para na akong natatae na ewan jusko dumarami na rin mga students at di ko alam sino dito magiging kaklase ko.....

Tita: Yam magtanong tanong ka raw ano grade and section nila malay mo may kaklase ka na diyan.

      No choice naman ako diba?😂 Pero before pa ako makapagtanong ayun may kinalabit na tita ko isang matangkad na babae payat sya, nakabrace, nakasalamin, pang wattpad HAHAHAHA chars tsaka medyo curly yung hair nya at alam niyo yun? Same class kami akala ko Grade 10 na sya kasi antakad bes eh yung height ko pang elem lang jusko . Iniwan na ako ni tita sa kamay ni ate gurl at sinama na nya ako sa may Flag Ceremony Area or kung ano man tawag dun hihihi

Ate gurl: Hi ano name mo?
      Kabado pa rin pero kailangan sumagot baka mabully tayo sa 1st day natin as transferee.
Me: Yam Stacy
Ate gurl: Ahh ako nga pala si Dennise, Ate Den nalang
Me: Ahh saan tayo pupunta?
Ate Den: Sa pila kasama yung mga kaklase natin ganito kasi lagi pag morning may Flag Ceremony naggagather lahat.

Si Ate Den pa nga lang kabado na ako buong klase pa kaya WAAAAHHH kainin na ako ng lupa chars kaya ko to !!!

Ate Den: Guys may transferee tayo si Yam 🙂

Napatingin silang lahat so ako matik tinignan din sila bakit ba HAHAHA joke tumingin din ako saglit then yuko na syempre di tayo ganon katapang mga bes 😂 May mga naghi saken kaya nginitian ko sila at sa wakas di sila ganon katangkad compared kay ate Den kaya rin siguro yun tawag sakanya kasi parang ate na talaga namin siya I mean based sa height.

Joy: Halika dito Yam wag mo pansinin yan si Allen according to height kasi pila kaya dito ka sa may unahan. Ako nga pala si Joy.

Joy - super hyper pero thankful ako kasi may nag aasist saken at yung Jesler masama tingin ko sakanya I mean hindi literal ah feeling ko kasi may pagkamanyak eh pero tignan natin hahhahhaa.

Nginitian ko lang si Joy at pumila na mababait naman sila hanggang eto na nasa room na kami kasama ko sila Nica, Lorie, at Joy basta ewan paano ko sila naging kasama HAHAHAHA ang mahalaga may matuturing na akong kaibigan dito sa bago kong school.

Teacher: Okay so alam ko na may new student tayo ngayon at sure ako na gusto niyo pa syang makilala. Yam can you please introduce yourself here in front.

Tumayo na ako syempre teacher yan baka ibagsak ako pag diko sinunod.

-Hi I'm Yam Stacy F. Bernardo and I'm from Mindanao but I am not a Muslim.-

Medyo natawa sila lalo na si Joy kasi from Mindanao din pala sya at napagkakamalan siya lagi na Muslim because of that concept lol

After nung introduction ko ay umupo na agad ako okay naman yung flow ng klase sabagay nasa getting to know pa lahat kasi 2nd day pa naman ng klase so basically chill lang. Sana maging okay lang lahat <:

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ESCAPING GHOSTINGWhere stories live. Discover now