Chapter 22

57 5 0
                                    


-------

[ Krystel's POV ]

BAAAAAAAAGGGGGGGGG

Napatalon ako sa gulat sa malakas na hampas ng drum.Lumapit ako kay Zowin at napatingin sa drum.

Talagang napasobra siya sa paghampas kasi nabutas yung pad ng drum.

"Problema mo?" kunot noong tanong ko sa kanya..

"H-ha? w-wala.Alis muna ako babalik nalang ako mamaya."

Napailing nalang ako.Andito kasi kami sa music room dahil wala na namang klase.Hinihintay naming dumating yung lima kaso wala pa sila.Napagusapan kasi namin na mag shoshooting nalang kami ngayon para sa music video para wala na kaming proproblemahin pagkadating namin galing Ilocos.

"GOOD MORNING !"  DANICA

"hyper masyado" Kenzo

"epal "

"Engot"

teka,parang may mali kay Kenzo.Kasi,hindi siya pocker face ngayon tapos pangiti ngiti pa at nakikipagasaran na.Parang bumalik na uli yung Kenzo na makulit.

"Heh ! tumigil na nga kayo.Kanina pa kayo nagaasaran"

Yung singkit na mga mata ni CM.Mas lalong sumingkit.Advantage nga naman ng mga singkit ay hindi halata kong mugto yung mata.Siguro umiyak na naman siya.

"Teka asan si Lei?"

"Sumama kay Nikka"

Nikka na naman.

"Wala na naman si Ralp?"

"Hmmm.Asan pala si Zowin?" CM

Haaaayyy!Pasalamat ka alam kong problema mo.Nagaalala na ako kay Ralp kasi tatlong araw na siyang absent.

"Ah si Zowin?Lumabas lang di ko alam kong saan nagpunta"

"Ah sige sunduin ko lang" Danica

tinaasan ko naman ng kilay si Danica.

"At bakit naman?"

"wala lang hehe"

"Tutulog muna ako dito."

tapos pumunta na siya sa backstage dahil may mga rooms doon na pwedeng pagtulugan.Tumingin naman ako kay CM.

"ah groupmates tayo"

"ha?"

"Pinilit kasi ako ni Kitty na makipagpalit sa kanya.Gusto kasi niyang ka groupmate si Lowie kaya ako nalang ang kumausap sa kanya at pumayag naman"

Mukhang seryoso na talaga si Kitty kay Lowie.

Pagdating ni Zowin,pinagusapan muna namin yung gagawin.Yung kakantahin,at plinano na namin kung ano ang gagawin at yung mga scenes syempre.

"So Krystel,payag ka ba na ka duet ako?" Zowin

Isa sa pinakamahirap gawin sa mundong ito ang mag pigil ng ngiti.Syempre kung yung crush mo ang magtatanong sayo niyan?hindi ka kikiligin?Baka sabihin niyo pa na pwede na kayong mamatay.

Siniko siko naman ako ni Cm ng palihim.Oo nga pala alam na niya na may gusto ako kay Zowin.Tapos kong makangiti ang lapad.Mas kinikilig pa ata ito kaysa sa akin.

"Sige"

"CM alam mo na naman siguro yung trabaho mo?"

"Yes Ma'am.Ako na din ang bahalang humanap ng song na babagay sa inyong dalawa.Sige mauna muna ako bye"

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon