Akeisha's POV
Shet umaamin naba talaga siya ngayon?! Hmmm. Taena talaagaaaa!
"HAHAHA! epic yung mukha mo keish! joke lang!" Ampotchi. Joke lang pala, tae ang sakit palang umasa. Tangina talaga.
"Walang talo-talo diba? Ngina, baka masira pagkakaibigan naten pagnagkagusto ako sayo eh!" Sabi niya. Aniyo! Of course not! Akala lang niya yon.
"Oh ba't di ka nagsasalita jan?" Tanong niya saken. "Wala HAHAHA. Sge Zed. Kailangan ko na talagang umuwi eh. Sge aaaah? Byeee! Labyu" sabi ko at kiniss siya sa cheeks. At umalis.
Nagulat siguro siya dahil sa biglaang pag alis ko. Basta bahala na. Pumunta na ako ng bahay. Naiiyak nga ako sheyt.
Mabilis akong tumakbo patungong kwarto ko. Di ko nga sila na greet eh. Nakita kong nagulat din sila sa ginawa ko.
Sinirado ko yung pintuan at nahiga sa kama.
This is my time of overthinking. I'm sure mag ooverthink nanaman ako. Di ko naman yun maiwasan.
Sana, ako nalang! 'Di ko naman sure eh, kung sino yung karapatdapat sa pagmamahal ni Zed. Kahit ako nga eh? Di ko din alam kung karapat dapat ako dun.
Takte, sino ba kasi yon? Dapat pala tinanong ko siay kanina.
*knock knock*
Mabilis kong pinunasan yung luha ko at pumunta sa pintuan at binuksan yon. Nakita ko si kuya.
"Hoy. Dadrama ka jan. nangyare sayo?" Ba't niya alam? Huhu. "W-wala! Hehe" sabi ko naman. "Anong wala? Rinig na rinig ko iyak mo sa kwarto ko oy!" Sabi niya naman.
Tiningnan ko lang siya.
"Nag-babasa ako ng libro dun napaka-ingay mo. Hay." Sabi niya pa. Aba? Tinatanong ko talaga minsan kung bakit ko naging kuya to. Pashnea! Dapat cinocomfort ako eh huhu.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"HAHA! Joklang naman yon, kapatid. Lika nga dito!" Sabi niya at pumunta dun sa kama ko. Sumunod din naman ako sakanya.
"Ano ba kasing iniyak iyak mo jan?" Tanong niya naman. Tae, comfort ba to? Hay. "Ano kasi kuya.. ahm, wala na kasi akong pera huhuhu" sabi ko at humagulgol pa dahil sa kasinungalingan ko.
"Ngina? Yun lang yon?" Tanong niya. Tumango lang ako. Di ko inexpect na masakit pala HAHAHA! Masakit palaaa! Crush ko lang siya eh! Pero bakit ganon?
"Sige na. Sabihin mo na. Tungkol ba sa taong gusto mo? Sa mahal mo? Sige, expert ako jan" napatawa naman na ako ni kuya don.
"Ahm. Crush ko lang naman kuya! Kung maka gusto at mahal ka jan!" Sabi ko naman. Napatawa si kuya at biglang sumeryoso ang mukha.
"Kung crush crush lang yan! Di ka iiyak! Di ka masasaktan. Crush lang eh. Sus, ako? Niloloko mo? No way!" Sabi niya naman.
So it means na gusto ko na si Zed? Yung bestfriend ko? HAHAHA. Okay?
"Ahm, basta ganito kasi yon kuya.. yung crush ko, may nagugustuhang ibang babae. Akala ko nga ako eh—"
"Yan. Umasa ka? Wag ka kasing umasa. Mas masasaktan ka niyan eh. Alam mo? Ang gawin mo, wag kang umasa. Kahit masakit tanggapin mo. Kasi yun yung totoo.
"Example: sinabi niya na may nagugustuhan siya. Pero di niya sinabi kung sino. Wag kang mag e-expect na ikaw yon. Tanggapin mo na, kahit di mo pa alam kung sino.
"Tapos pag hindi pala ikaw yung gusto niya. Edi natanggap mo na? Expected na, na hindi ikaw yung gusto niya. Pero bonus na lang kung ikaw yung nagustuhan niya." Sabi ni kuya. Ang lalim naman non.
Sge ipapasok ko na yan sa utak ko. Hindi mag eexpect.
"Salamat kuya. Kahit masakit yung sinabi mo, at least naka tulong naman" sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Sino ba kasi yang gusto ni Zedrick? At iiyak ka ng ganyan?" Wait—tekaaa! Ba't alam ni kuya? Nanlaki naman ang mata ko dun.
"A-alam mo?" Tanong ko.
"NAMAN! Ako pa ba? Sus kilala kita eh. Tapos oy! Alam ko din na may letter ka para kay Zed! HAHAHAHA! Nasa notes mo jan sa phone mo diba? HAHAHA! Dear Zedrick, alam mo ba na—"
"Shadaaaaaappp kuyaaaa!" Sigaw ko! Putek pati yung notes ko alam niya? Tanginaaa! Ang bad!
"HAHA! Sorry na, nakita ko lang kasi eh HAHAHA!" Pucha ang lakas pa ng loob na tumawa huhuness.
"Umalis ka na nga! Hay!" Sabi ko at pina-alis na siya sa kwarto ko.
*Ringtone*
Zeddy calling...
Tae!
Zedrick's POV (uy first time! HAHAHA!)
Pucha? Iniwan ba naman ako? Ano kasing problema non? Hay atleast nilibre niya parin ako. Hehe.
Di ko na siya nasundan kasi nga may prac. Kami ngayong hapon. Taenang babae nang iiwan.
Bumalik na ako ng school pagkatapos kumain ng fishball.
"Uy dre. Wassap" sabi ni Ricky. Yung isang kaibigan nila Russel Funtello at Adonis Romero. "Yow haha" sabi ko at pumunta na sa boy's room para magbihis ng jersey.
"Dre. Si sbehsvehhe daw? Gusto yung bestfriend ni cap.? Yung Akeisha?" Narinig kong sabi nung isa sa teammates ko. Pucha sino daw yun? Di ko narinig!
Sinong may gusto kay Keish?
"Talaga ba dre? Amputa! Support ako jan HAHA!" Sabi naman nung isa at tumawa sila. Tangina sino?! Nanahimik lang ako. Para di nila ako marinig.
"Pota. Napaka-sexy din naman kasi yong bespren ni cap. Swerte ni cap. HAHAHA!" Sabi pa nung isa. Aba? Pinagnanasahan nila si Akeisha?! Nanahimik parin ako. Pero mamaya ipag jojogging ko tong dalawa sa buong school.
"Oo nga! Witwiw!" Di ko na natiis kaya lumabas na ako. Nagulat din naman sila nung nakita nila ako.
"KAYONG DALAWA! JOGGING AROUND THE CAMPUS, 10 ROUNDS!!" Sigaw ko. "O-oy cap. Anjan ka pala. Hehe sorry joklang yung sinabi namin sa bespren mo" sabi nung isa.
"Sorry ka jan. pinagnanasahan niyo bestfriend ko? Start running!" Sigaw ko. Ayun na. Nagsimula na sila. Amputa nila? Ang bastos.
Tinawagan ko muna si keisha before nag start ang practice.
"Hoy. Ikaw ah! Iniwan mo ako" sabi ko sa phone.
[ay sorry na zeddy hehe. May bigla kasi akong nakalimutan na gagawin sa bahay eh] hmm. May nakalimutan daw!
"Talaga lang" sabi ko. Nagtutunog na nagtatampo.
[sorry na hihi. Bawi ako bukas! Pramis ililibre kita]
"Yey. HAHA! Sge bye keish. Papractice lang kami. See you tom."
[okay. Byee! See you]
Toot toot.
Pansin ko lang? Ba't iba yung boses niya? Parang napapaos. Di naman ganon boses niya kanina? Hays.
At ayun nag prac na kami.
Akeisha's POV
"Hay. Buti nalang di niya na pansin boses ko" bulong ko at humiga.
BINABASA MO ANG
Falling For My Bestfriend
Teen FictionTanggap ko na. Tanggap ko ng bestfriend mo lang talaga ako. Eh ano naman? Yun ang totoo eh. Wala akong magagawa. Ang magagawa ko lang ay maging masaya para sayo. Para sainyo