CHAPTER 1

31 6 1
                                    

"ako na ang oorder" ani ko, at nag lakad na papunta sa counter.

andito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch na, i'm with Abi,my bestfriend.

pagkatapos ko umorder ay bumalik na ako sa table namin. "maaga ka pumunta bukas sa bahay Abi ha."nakangiting sabi ko sakanya habang nakapatong ang magkabilang siko ko sa table.

sabado bukas at birthday ko, kami-kami lang ng mga kaibigan ko ang inimbita ko dahil simpleng dinner lang naman.pero magn-night swimming din kami para enjoy!lol.

"oo naman sis, ako pa ba?"masiglang sagot niya.

matapos kumain ay nagpasya kaming maglakad-lakad muna dahil lunch break pa naman.nadaanan namin ang dance hall at may mga nagpapractice sa loob"namimiss ko na ang pagsasayaw" I sighed.

siguro nandiyan din ako ngayon kung hindi lang ako inatake ng asthma ko noon. binawalan na kasi ako ng doctor ko non na sumali nga sa mga dance club o mga physical activities na masyadong nakakapagod dahil lalong lalala ang sakit ko.

umupo muna kami sa may bench dito sa ilalim ng puno dahil mapresko at dito kami madalas tumambay.napatingin naman ako sa grupo ng mga kalalakihan na nag uusap-usap at nagtatawanan katapat namin,hindi sila masyadong malapit samin at nakatalikod konti,kaklase ko pala yung dalawa at EX ko pa don yung isa,yes kaklase ko ex ko haha pero matagal na rin simula nung nagbreak kami,kung mag-uusap kapag kailangan lang.pero yung isa sakanila ay hindi ko kilala.

nung tumingin-tingin sa paligid yung hindi pamilyar na lalaki ay bigla siyang napatingin sa gawi dito at nagtama ang tangin namin

agad akong napaiwas ng tingin,hindi ko alam pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko parang nakita ko na siya dati na ewan e.

"uy sis,nakikinig ka ba?saan na napadpad yang utak mo?"tanong ni abi na winawagayway pa ang kamay niya sa harap ng mukha ko.agad naman akong natauhan.

"ah,Abi ano,tara na baka ma late pa tayo"nataranta ako at dali-daling tumayo at tinignan ko ulit yung lalaki at hindi na nakatingin samin,buti naman.

"teka,20 minutes pa e"hindi ko na siya pinakinggan at hinila ko nalang ang braso niya hanggang sa makarating kami sa room namin.
___


"good afternoon"bati ng sir namin,at bumati naman kami pabalik.
after ng discussion ay may short quiz lang kami.then discuss lang ulit hanggang sa matapos ang klase.

"ahm,marisse"napalingon kaagad ako ng may kumalabit sa akin habang nag aayos ako ng gamit ko.

"yung ID mo pala,napulot ng kaibigan ko kanina sa may mga bench sa ilalim ng puno,sabi niya ako na daw mag bigay dahil nahihiya siya.pinakita niya sakin e namukhaan ko na ikaw pala"napakamot pa sa batok na sabi ni lance,ex ko,siya yung kanina na sinasabi ko.

napakunot ang noo ko at yumuko agad at wala nga yung ID ko! bakit hindi ko napansin?siguro nalaglag nung nagmamadali kaming umalis kanina.buti nalang at kakilala niya ang nakapulot kung hindi,hindi ako makakapasok ng gate sa monday.

"ah,paki sabi thank you"agad kong inabot yon at umalis na. teka, yun kaya yung kasama nilang lalaki kanina? bakit kaya ganon,may nararamdaman ako sa lalaking yon
na hindi ko maintindihan.

pagkadating ko sa bahay ay naabutan ko si mom na nagluluto sa kusina kahit na may tagaluto naman kami, e siya pa din nagluluto,kasi busy siya lagi sa trabaho kaya pag may free time siya,siya ang nagluluto. pumunta ako don at humalik sa pisngi.

"how are you darling?"my mom asked.

"i'm fine mom-"naputol ang sinasabi ko ng biglang pumasok si ate ko sa kusina at inirapan lang ako.

hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ang laki parin ng galit niya sakin,sinisisi pa rin niya ko sa pagkamatay ng isa pa naming kapatid,kambal sila ni ate.hindi ko alam yung nangyari dahil nauntog ako noon at nag ka amnesia pero temporary lang naman at may chance pa daw ako na gumaling.sabi nila mommy niligtas daw niya ko nung hinabol ko yung aso dahil hinila niya yung hawak ko na barbie noon at napunta ako sa gitna ng kalsada tapos may paparating pala na sasakyan,pero tinulak niya ako at nauntog kasi napalakas,tapos siya ang nasagasaan. sobrang close daw kasi silang dalawa ni ate non at hindi na mapaghiwalay,laging magkasama kahit saan,kaya siguro hindi pa rin niya matanggap yung nangyari.

"kath wag mo naman sungitan yung kapatid mo"mahinahon pero seryosong sabi ni mom.nakita siguro niya na inirapan ako ni ate.

"whatever"masungit na sabi niya at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

pagkatapos naming kumain ng hapunan ay umakyat na ko sa kwarto ko.nagshower lang ako at ginawa na ang assignment ko. pagkatapos non ay humiga na ako at matutulog na sana pero may makita ako sa ibabaw ng side table ko,matagal na iyon dito at hindi ko tinatapon kasi parang napakahalaga nito saakin.kinuha ko iyon.

isang bracelet yon na pangbata,hindi ko matandaan kung sino nagbigay dahil nga sa aksidente noon.pamilya ko lang ang natandaan ko noon dahil sila yung lagi kong kasama.napagpasyahan kong gawin nalang iyong keychain,sinabit ko sa bag ko at natulog na.

"habulin mo ako!"

"taya hahahaha"

"a-aray!huhuhuhu"

"hala!may dugo"

"ikaw kasi e hindi ka nag-iingat ayan tuloy nadapa ka"

"e natisod ako e huhuhu"

"halika samahan kita sa bahay niyo,gamutin natin"

agad akong napapikit nang masilaw ako sa sinag ng araw na mula sa bintana ng kwarto ko.pinatay ko na ang kanina pang tumutunog na alarm clock ko.

today is my birthday! napangiti ako at excited na pumunta sa cr at naggayak na para mamaya.

~♥~


[A/N]:don't forget to vote and comment,happy reading!

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon