oneshot

1 0 0
                                    

Kwento lamang
-Noriendels

Based on the true story

In a world of chaos, I have myself. I've grown up in a complete family. Seperated yung parents ko at kay tatay ako namamalagi. Ako yung bunso sa aming magkakapatid. Close kami ni ate,she's a midwife. Sundalo rin yung panganay namin, kuya ko. He's always been my supplier kung may pangangailangan sa school. Wala rin naman daw kasing problema sa kanya at saka hindi pa siya nagkakapamilya. Si mama? napakalaki ng pangarap niya para sakin. Gusto niya talagang yumaman. Kaya I've decided to be a successful doctor soon. Kung papalarin,kung hindi taga-gamot mo nalang door to door pa.(ahihi).By the way I am Mae Villegas. I'm a grade 12 student now. May kaibigan ako since junior high,Norie ang pangalan, isa siya sa napakabuti kong kaibigan. We're really close since when I'm in 9th grade. May klase kasi kami na about dance at magkakampi talaga kami sa mga bagay-bagay. Pinagkakatiwalaan ko, karamay at tagapakinig ng problema. She's so rare. And I can consider myself as a lucky one when it comes to friendship dahil sa kanya. So yun mala maleficent ang aking kwento. Maleficent dahil namuhay ako sa simpleng buhay pagka't puno ng kulay. Kaso nga lang may kontrabida. Ang close kong ate naging kaaway ko na. Nagkakasakitan na nauwi sa layasan. Lumayas ako ng bahay para hindi na mas lalong lumala. Sa pag-aaway naming yun, nagkabatohan kami ng mga tsinelas,damit,etc. Si tatay ang saksi sa bawat hikbi ko. Kaya nung umalis ako, si tatay ang una kung inisip. Kung kumusta na kaya siya? kumain na ba siya? Since ako yung nag-aalaga sa kanya lagi habang kayod ng kayod si ate sa pagta-trabaho at ang iba ko pang mga kapatid.Pero siguro okey lang si tatay. Siguro hindi niya ako inisip. Kasi habang nandon rin ako, para lang naman kasing wala.

Sa Kadiliman ng buhay kasangga ay inay. Kaya lumayas ako ng bahay at pinuntahan ko si mama. Sa bahay na ni mama ako tambay, bumibisita naman ako kay tatay,kaso di na gaano. Napakarami then kasing gawain sa school, maraming requirements na dapat i.submit via email. Napakahirap!

I want to share something, it's a flashback by the way. It was quite long pero dediretsuhin ko na. Kaya mala-maleficent  buhay ko,dahil nga may mga kontrabida sa likod ng makukulay kung araw. Seventh grade, when the school year started, my mother decided to take me to my aunt's house. Makikitira saglit hanggang matapos ang pasukan nun. Kasi medyo malayo yung bahay namin sa school, and the only solution is, kay aunt muna ako tutuloy kasi malapit lang bahay nila sa pinapasukan ko. Akala ko madali lang na sa ibang bahay ako makikituloy, hindi pala. Sanay naman akong mapag-isa pero namimiss ko lang ang atmospera pag nasa sa'min. So yun,tumira ako kina ante. Itago nalang natin sa pangalang veronica, may isang anak. Actually widowed siya. Otherwise,dumating na nga ang pasukan.

Unang araw ng skwela nun na sinabihan niya akong pagbantayin ng kanyang anak after school, weekends or walang pasok. Babayaran niya daw naman kasi ako, wala naman akong choice so tinanggap ko yung offer at dapat lang akong tumulong-tulong kasi nakikitira nga lang ako. Yes I do the cleaning,the cooking,etc. I did the household chores sincerely. As a respect gagawin ko yung mga pinag-uutos nila. Nakakapagod rin yung galing kang skwela tapos pag uwi dediktahan ka sa mga gagawin. Medyo Okey na rin kasi may sweldo pero the truth is nung unang linggo lang ng buwan ako binayaran sa pagbabantay ng anak ni ante. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit pa don? Yung dinidiin niya pang hindi daw ako dapat titira sa kanila kasi tutal meron akong kapatid abroad. Oo sa ibang bansa nagta-trabaho si kuya at suportado niya ako lagi pero hindi rin kasi siya payag na uuwi ako kasi nga malayo tapos if I am going to stay in a dormitory or what, hindi rin siya payag kasi mas mabuti na sa kamag-anak tutuloy dahil maaasahan nga. Napakamiserable ko dun, tipong may mga pinsan kang doon din nakatira pero wala kang kakwentuhan sa lahat ng sakit na dinaramdam. Nakakapagod, nakakasuka ang ugali ni ante, yung turing niya talaga sakin, katulong lang o yaya.
Hanggang diyan lang, kasi naiiyak na ako,ahuhu. Let me leave this message, don't settle yourself for what you have, be ambitious. Hindi naman sa sinasabi kong wag kang makontento. What I meant to say is, we need to search for our happiness porket wala kang choice dun kana talaga? kailangan mong mag plano sa kung ano pa ang pwede mong gawin para sa ikakapanatag ng kalooban mo, as long as hindi ka nang de-degrade ng sino man. The worst thing about on what I've experienced,  kung sino pa yung mga kadugo mo, sila pa mismo ang gagawa ng mga bagay just to make you feel down. Wag kang magpapa-apak. Nakakatawa lang sa part na wala kang magawa kasi masusunod sila kasi sila ang mas nakakatanda. Be safe everyone! GodBless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kwento lamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon