Chapter 34

6.5K 297 54
                                    

Sabrina's POV


Hindi nagtatanong si Gabino. Hindi rin siya kinikibo. Simula ng nakakahiyang karupukan niya kanina hindi na muli ito lumapit sa kanya. Si Gavin lang ang inaasikaso nito nang inaasikaso kahit nang dumating sina Jannah at Mateo - na sa pagkagulat niya ay engage to be married na ang dalawa. Hindi ito kumikibo. Tinutukso ito ni Jannah pero ngingiti lang ng matipid.

Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. Mas lalo siyang kinakabahan. Lalo na at naisiwalat niya dito kanina na ito ang ama ni Gavin. Pero sino ba ang lolokohin niya. Ngayong magkadikit ang mag-ama niya kahit sino ang makakita, si Gabino ang ituturong ama. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa.

Nakausap niya na si Gavin kanina. Naglayas pala ito at hinanap ang Tatay nito. Nakaramdam siya ng guilt. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng anak para lang makita ang ama nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama dito. Dahil kasalanan niya! Kung hindi sana siya naglihim at kung naipaliwanag niya dito ang lahat hindi lalayas ang bata. Matalino ang anak niya, mas matured itong mag-isip kumpara sa kapatid at mga ka-edaran nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang tanggap naman ni Gabino ang anak nila kaya kahit papaano nagkakaroon siya ng lakas ng loob para ipagtapat dito na hindi lang isa ang anak nila.

One down, two to go... - aniya sa isip.

Hahanap lang siya ng magandang tyempo tapos aamin na siya.

"Sab, tumawag si Mickey hinahanap ka na daw ni Isang. Iyak na raw nang iyak," bulong ni Jude sa kanya. Napatingin siya sa gawi ng mag-ama at nakitang masama ang tingin ni Gabin sa kanila. Hinila niya palabas si Jude para hindi sila marinig ni Gabin.

"Tawagan mo nga kakausapin ko si Isang, lowbat na yung cellphone ko."

Dinukot nito ang cellphone at dinial ang number ni Mickey mayamaya pa kausap na niya ang anak. Iyak ito nang iyak sa kabilang linya. Namamaos na rin ang boses nito. Nahabag naman siya sa anak. Hindi pa naman ito sanay na wala siya sa tabi nito.

"Uuwi na si Mama, nak, tahan ka na..." masuyong alo niya sa bunsong anak. Apat na taon na ito pero sobrang maka-ina. Hindi katulad ng kambal noon na naiiwanan niya para makapagtrabaho, iba si Leticia. Hindi ito pumapayag na mawalay sa kanya kaya naman kahit nagde-deliver siya ng mga paninda nila kasakasama niya ang anak.

Mayroon silang karinderya ni Mickey - binigyan sila ng puhunan ni Jude. Na sa tapat iyon ng bahay na nabili ni Jude sa Bulacan. Doon na sila nanirahan pagka-panganak niya kay Leticia. Gumanda kasi ang trabaho ni Jude. Kasal na rin ito at si Mickey. Nagde-deliver sila ng pack lunch sa mga trabahador sa isang food corporation company na malapit sa kanila. Mga taga-opisina ang mga suki nila, na mga figure conscious. Naisip nilang magluto ng mga low carbs na pagkain tamang-tama sa mga diet na empleyada.

After niyang manganak nagpumilit siyang makapag-aral. Kumuha siya food tech sa tesda. Panggabi ang pasok niya kaya ang kambal at si Mickey ang nagbabantay kay Leticia. Hindi biro ang maging working student tapos Nanay ka pa. Pero nagsumikap siya. Sa ngayon masasabi niyang maayos naman na ang buhay nilang mag-iina. Hindi na rin nakakahiyang humarap kay Gabin dahil hindi na siya isang waitress lang sa isang club.

"Uuwi ako," desisyon niya. "Kawawa naman ang baby ko..." aniya na di mapigilan ang mapaiyak. Miss na miss na rin niya ang bunsong anak.

"Paano si Gavin? Isasama mo na ba pauwi?" tanong ni Jude.

Napabuntong-hininga siya. Isa pa iyon sa pinoproblema niya. Panigurado namang sasama sa kanya ang anak kung aayain niyang umuwi kaya lang inaalala niya si Gabino. Ngayong nakilala na nito ang anak papayag ba itong mawalay uli sa bata? Kitang kita niya kung gaano nito kamahal si Gavin. Sa pag-aasikaso pa lang nito sa anak nila halatang di na ito papayag malayo sa bata.

"Siguro ang mabuti pa aminin mo na kay Gabino na tatlo ang anak niyo at hindi lang isa," suhestiyon ni Jude.

"Tatlo?"

Sabay sila ni Jude na napalingon sa nagsalita. Na sa likuran nila si Gabin. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito.

"T-Triplets ba sila?" anito.

Napakagat labi naman siya at nagkatinginan sila ni Jude. Tinanguan siya nito, nag-uudyok na umamin na siya.

"Ang mabuti pa sabihin mo na ang totoo, Sab," sulsol pa ni Jude.

Lalong nangunot ang noo ni Gabin. "Anong totoo?!" anito na napalakas na ang boses.

Bumuka ang bibig niya para magpaliwanag pero naunahan siya ni Jude.

"Na hindi lang si Gavin ang anak niyo. Actually tatlo sila," ani ni Jude sabay baling sa kanya. "Ipaliwanag mo na," anito at pinandilatan pa siya.

"So triplets nga sila?" muling tanong ni Gabin na madilim na ang anyo.

"May kakambal si Gavin, si Gabriel at yung bunso niyo si Leticia. Magfo-four na siya."

Pareho silang napa nga-nga ni Gabin kay Jude. Si Gabin dahil sa nalaman, siya naman dahil sa kadaldalan nito! Hindi siya binigyan ng pagkakataon na magsalita.

"Magfo-four? Teka--"

"Nakakapagtaka?" bumuntong-hininga pa ang lintik na si Jude. "Pero five years ago nagkita na kayo ni Sab sa isang bar. Hindi mo siya namukhaan pero may nangyari sa inyo at si Leticia ang bunga," kibit-balikat na ani ni Jude. "Ipaliwanag mo na kasi." ani pa nito sa kanya at marahan pang binunggo ng siko nito ang braso niya.

"Ikaw na! Nahiya ka pa! Isagad mo na yung kadaldalan mo!" mataray na aniya dito. Kunyari pang gusto siyang pagpaliwanagin e, hindi naman siya makasingit sa katabilan ng bunganga.

Napangiwi naman si Jude. "Teka kukuha uli ako ng kape," anito saka nagmamadaling iniwanan sila.

Naiwan naman siya sa nang-aakusang tingin ni Gabin.

"A-anong ibig niyang sabihin? Anong bar? May nangyari sa atin ng hindi ko alam?" Nakaramdama siya ng habag dito. Gulong-gulo ito at halatang-halata 'yon sa mukha nito. Wala na siyang nagawa kundi i-kwento dito at ipaalala ang nangyari five years ago.

"Nakilala mo ako? Bakit di mo sa'kin sinabi? Bakit 'di ka gumawa nang paraan para malaman ko?" sumbat nito sa kanya.

Napayuko siya. "Kasi nahihiya ako... "

"Bullshit! That's lame, Sab! Ang babaw ng dahilan mo! Wala akong ka malay-malay may mga anak na pala ako? Hindi mo man lang naisipang ipaalam sa akin kung hindi pa naglayas ang anak ko? Anong kasalanan ko sa'yo? Anong karapatan mong ilayo sa akin ang mga anak ko?" galit na galit na sigaw nito sa kanya.

Para naman siyang nauupos na kandila. Alam niyang malaki ang kasalanan niya at deserve niya ang galit na nararamdaman nito.

"I'm sorry... " tanging nasambit niya habang umaagos ang luha.

"Hindi maibabalik ng sorry mo ang ilang taong nawala sa amin ng mga anak ko!" mariing anito sa kanya. "Magkita tayo sa korte! I want the costudy for all of my child!" galit na anito saka muling pumasok sa silid ni Gavin at pabalibag na isinara ang pinto.

Naiwan naman siyang tulala sa pintong pinasukan nito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon