Sorry sa late na update!
Chapter 34. 1
Nilatag namin ng katunggali ko ang mga niluto namin sa isang mahabang lamesa .
Unahin nating tikman ang niluto ni jeng er" aniya ng may ari ng lutuan .
Tumango kaming lahat .
Lumapit ang isa sa mga manonood , isa itong ginoo na tila may mataas na katungkulan sa gobyerno base sa kanyang damit at anyo .
Ako na ang unang huhusga" mababang boses na ani nito .
Tumango si jenger pati narin ang mayari ng kainan .
Inabutan nila ito ng kubyertos at pinaupo sa lamesa .
Pinagmasdan muna ito ng lalaki bago marahang tumikim .
Tumatango tango itong nilasap ang luto , senyales na nasasarapan.
Among tamag mow ritow? " hindi maintindihan na ani nito .nagasasalita ito habang puno ang bibig .( anong tawag mo rito).
Fried eggplant with chicken and mushroom stuffing " sagot ni jeng er .tumango ang lalaki at muling kumain .
Ako naman ay kumunot ang noo sa narinig , sabi na nga bat hindi bago ang niluto nya ,
Ang lutong ganoon ay niluluto at inihahanda lamang sa mga may dughong bughaw!
Noong bago palang ako sa palasyo ay madalas ito ang inihahanda nila sa emperor at empress.
Fried eggplant ano kamo?" Nakakunot noong tanong ni prinsipe junye .
Natigil ang lahat at napatingin sa kanya ,pati narin ang tagatikim ay napatigil sa pagkain.
Bingi kaba? Ang sabi ko fried eggplant with chicken mushroom stuffing" ulit pa nito .
Sumalubong ang kilay ng prinsipe sa narinig .
Napakagat labi ako ,shit !.
Bago pa makasagot ang prinsipe ay inunahan ko na agad sya .
Junye halika rito" ani ko , salubong parin ang kilay na tumingin sya sa akin .
Sinenyasan ko sya na lumapit , kumunot ang noo nya sa sinabi ko .ngunit sumunod rin .
Ng makalapit ay binulungan ko sya na wag nang pansinin.
Noong una ay ayaw nya at nagalit pa sa akin , bakit hindi ko daw sabihin na niluluto yon sa palasyo .
Hindi nila maaring malaman na prinsipe ka remember? Magtataka ang mga iyon kapag nalaman na alam mo ang pagkain na iyon"
Pagtutol ang makikita sa kanyang mukha ng tumingin sa akin .
Then tell them na tagaluto ka sa palasyo" pagpipilit nito .umiling ako .
Hindi pede ,hindi sila maniniwala , wag mo nang sagutin please ,trust me on this" ani ko .talo syang tumango .
Anong binubulong bulong nyo? Natatakot naba kayo na matalo?" Nakangising ani nito .
Tinaasan ko sya ng kilay at umismid .
Anong masasabi mo? " tanong ng mayari ng kainan sa lalaking tumikim .
10 ang ibibigay kong skor dito ,masarap at malinamnam ang ginawa nya" nakangiting ani nito . Napangiti si jeng er sa narinig .
Nangiinis nya akong binalingan .
Ngayon naman ay tikman natin ang niluto ng kabilang panig" aniya nito .
Tumango ang lahat .
Ako na ang huhusga at titikim sa niluto niya" gulat kaming napatingin sa may ari ng kainan.
YOU ARE READING
the prince baby
RandomThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...