DOMINIC’S POV
I miss her...
I miss her so much...
Malungkot at tahimik ang buhay ko kapag wala si Mayera. Lalo na at Summer vacation. Damang dama ko ang pagkawala niya. Ilang linggo din ako sa ospital. Nagpapahinga. Nagiisip. Nangungulila sa pag alis ni Mayera. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Sa kanila ng tatay niya? Okay na kaya sila?
Sa mga araw na nakahilata ako sa ospital, si Mayera lang ang laman ng isip ko. Kahit anong gawin ko, kahit anong comfort gawin sakin ng mga kapatid ko at ni Reyna, SIYA AT SIYA PARIN. Hindi ko alam pero apektadong apktado parin ako sa pagkamatay ng nanay niya. Pakiramdam ko, kasalanan ko yun. Pinapabayaan kong mawalan siya ng ina, hinayaan kong malungkot siya at maiwang magisa. Namatay yung pinakamamahal niyang ina sa harap ko.
Natapos ang Abril ng nasa ospital lang ako. Sa kamang iyon na din ako nagcelebrate ng birthday ko. May maliit na kainang naganap. Dumalaw ang mga kaklase namin. Nang araw na iyon, hindi nila ako nacomfort. Lalo lang nila akong pinalungkot. Pano ba naman, puro MAYERA bukambibig nila. Miss na daw nila si Mayera, kamusta na daw si Mayera, ano na daw nangyari kay Mayera, babalik ka pa kaya si Mayera. Aba’y punyeta! Alam naman nilang pareparehas lang kaming mga walang alam!
Tuwing bakasyon ay lagi kong kasama si Mayera. Pero ngayon... Wala siya. Dati lagi kaming nag gagala, naglalaro. Pero ngayon... Wala siya. Si Reyna ang madalas kong kasama ngayon. Nangako sa akin si Reyna na hindi niya ako iiwan katulad ng ginawa ni Mayera. Ramdam ko ang inis na nararamdaman ni Reyna kay Mayera. Alam kong hindi iyon tama ngunit hinayaan ko nalang. It’s “GIRLS’ STUFF”. Wala akong alam sa nararamdaman at pananaw ni Reyna. Basta ako... Hindi ako naiinis kay Mayera. Ang tanging nararamdaman ko lang....
ay ang pagkasabik sa boses niya..
ang pagnanais na makasama siya..
at..
at...
Hindi ko alam. Ano ba ito? Isang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa kahit na sinong babae sa mundo. Ano nga bang tawag dito?? Kung ano man ang naiisip niyo, mukhang ganun na nga... Hindi ko alam... Pero unti unti ko na itong nararamdaman. I’m starting to realize the truth in who Mayera Suarez is in my life.
May mga panahong bigla na lamang pumapatak ang mga luha ko. Damang dama ko yung sakit na alam kong nararamdaman ngayon ni Mayera. Madalas ay naaalala ko siya at hindi ko nalang namamalayang binabanggit ko na pala ang pangalan niya at dinadial ko na ang phone number niya. Lagi itong “Cannot be reached” kaya lalo lang akong nalulungkot. Oo nga... Naroon na siya sa America. Cannot be reached na nga talaga. Hindi ko na siya maabot doon.
Kailangang tanggapin kahit alam kong wala na siya, malayo na siya. Kailangan ko nang tanggalin sa bibig ko ang mga lirikong ‘Ayokong mahiwalay kay Mayera. Ayoko...’
Sa ngayon, masasabi kong si Reyna na ang bestfriend ko. Siya na ang laging kong kasama, panay ang punta niya sa bahay at lagi niya akong pinapanood mag basketball sa court ng village namin. Ito ang naging libangan ko mula ng makalabas ako ng ospital. Dahil sa araw araw na paglalaro, ay may nakilala akong bagong kaibigan...
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The Battlefield (Completed)
أدب المراهقين(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow)