REYNA’S POV
Inabangan ko si Nic sa labas ng bahay nila. Matagal tagal din akong naghintay. Nang makabalik siya ay tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong siya ng isang hampas sa braso.
“Aray naman!”
“Nakipagsuntukan ka no? Anong nangyari sa inyo? Anong ginawa niyo? Bang dami nila Nic! At bakit kilala ka nila ah?!”
Ano nanaman kayang pakulo nitong si Nic at kailangan pa nilang lumabas ng village?
“Nang mawala si Tita Mayessa...” Tumungo siya at mahinang ipinagpatuloy ay mga sumunod na linya... “Galit na galit ako sa sarili ko. Naging pampalipas oras ko ang pakikipag... Pakikipag sapakan. Pero sandali lang din yun. Saglit ko ding ginawang labasan ng sama ng loob yung mga tambay dyan kung saan saan. Doon ko sila nakilala. Madalas akong nananalo kaya---“
“Tama na Nic. Ayoko nang marinig. Huwag mo na ikwento sakin kung paano mo sinasaktan ang sarili mo noon.”
Katahimikan. Ang awkward, ano ba to! Parang iba yung naisip niya dun. Nakahalata na kaya siya sa nararamdaman ko? Nako!!
“Sinabi na din nila kung bakit ka nila hinahabol. Ano ba kasing ginagawa mo dun sa dating bahay nina Mayera?”
My heartbeat started to race. Would I tell him about that basement? Parang pati siya hindi alam na may ganun kena Maye.
“Namiss ko lang...”
A long pause... A long moment of silence, which broke when Nic started to laugh sarcastically and dried his eyes from tears.
“Hahaha! Inaantok na’ko. Tara na. First day na bukas. Uhhh.. Tabihan mo muna sina Cha.”
No matter how hard Nic laughed in these past few weeks, no matter how hard he conceals his true feelings, no matter how happy he is when he’s with me, I can still sense his great pain. He’s in great loss. The significance of my presence has never been equal with Mayera’s. I feel... hurt.
DOMINIC’S POV
Pagkapasok na pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang mga tanong tungkol kay Mayera, kay Mayera, kay Mayera, at kay Mayera. (-_-) si Kyle na nakilala namin dahil sa basketball ay kaklase na rin namin. Dahil new student siya ay nagtatanong din siya tungkol kay Mayera. Mabuti at nandyan si Reyna. Anak ng tinapa. Naluluha ako ng wala sa oras eh. Nakakabakla naman.
Iyakin na’ko mula ng mawala ka Mayera... Iyakin na’ko...
Matapos ang isang linggo, wala paring Ms. Suarez na pumapasok. Wala parin si Mayera. Unti-unti nang nawawala ng lubusan ang pag-asa kong babalik pa si Maye. Unti-unti na rin akong nasanay sa pagkawala niya, at bumabalik na ako sa dating ako. Nagiging totoo na ulit ang mga tawa ko, ang mga ngiti ko.
Naninibago ang buong klase dahil sa pagkawala ni Mayera. Wala na yung sigaw ng sigaw na president, yung pauso ng games pampalipas oras, yung wagas makatawa, yung maharot, yung nagtuturo sa amin ng mga lessons na hindi namin maintindihan, yung matapang na nagtatanggol sa amin sa tuwing napagbibintangan yung klase namin.
Ang pag alis ni Maye at ang kanyang mga pinagdaanan at pinagdadaanan palang ay nagdulot ng butas sa puso ko. Isang butas at sugat na hindi kalianman matatakpan at magagamot ng iba...
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The Battlefield (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow)