Prologue

7 0 0
                                    

Archie is online

Napatitig ako sa taas ng messenger ko.

Ano pake ko kung online siya?

Napairap na lang ako. Binato ko na lang cellphone ko sa kama.

Andito ako sa harap ng bintana, nakaupo. Nakatitig sa kawalan. Pinunasan ko ang luha ko.

Umiiyak nanaman ako.

Napatingin ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko senyales na may nag chat. Nawawalan man ng gana, tumayo ako upang tignan kung sino man ang nag chat.

Cheska
Hoy hanna, alam mo na ba ang
chika ngayon?

Huh? Ano nanaman ba yan?

May girlfriend na si Archie!!!!!!!
Check mo timeline niya.

Natigilan ako sa chat niya. Napaka ano naman oh, isang buwan palang naman nung natapos kami ah.

Teka, hindi naman naging kami??? Ah basta, ang bilis niya mag hanap ng iba.

Inistalk ko siya sa facebook at tama nga si cheska, may bago na siya. May girlfriend na siya. Kinalimutan niya na agad ako.

Napahiga ako sa kama. Sobrang sakit. Sa isang buwan na yun ang ginawa ko umiyak. Samantalang siya naghahanap na pala ng iba.

Bakit lagi mo na lang ako sinasaktan, Archie? Napatitig ako sa lockscreen ko. Napaka gwapo niya talaga.

"Ang tanga tanga mo naman Hannah, masaya na siya sa iba tapos ikaw hindi pa makapag move on, lockscreen mo pa."

Para na akong tanga na nagsasalita habang umiiyak. Tinakpan ko na lang ng unan ang mukha ko, natatakot ako na baka marinig nila ako na umiiyak.

Mahal pa rin kita...

Messenger Where stories live. Discover now