KABANAT 7: Ang Puso Ni Almira

12 0 0
                                    

   Nangiti na si Miguel. Nakitagay. Nakiinom. Agad naubos ang tuba ni Manuel at ang inihaw na manok. Kaya isinunod naman nila ang alak ni Lucho at ang bilaong dala nito ay binuksan.
   Tumagal ang harapan ng dalawa ng maghapon.

"Paano, Miguel, ang usapan natin? Balik tayo sa simula?" wika ni Lucho kay Miguel.

"Sige, payag ako. Sige lang, Lucho. Balik tayo sa dati." tugon naman ni Miguel kay Lucho.

   Nagkamayan ang dalawa. Palatandaan, magkaibigan na sila.

   Naging makulay ang buhay ng dalawang lalaki sa buhay ni Laura.

   Nanghaharana gabi-gabi si Lucho kay Laura. Samantalang, pumapasyal naman si Miguel sa bahay nina Laura na may dala-dalang itim na orkidyas.
   Hinaharap na ni Laura ang dalawa. Alam ni Laura na nanliligaw ulit ang dalawa sa kanya.

   Samantala, naratay na si Almira. Hindi malaman ni Lola Tasya ang gagawin. Patuloy ang panghihina ng apo. Pumayat na ito. Mahina ang katawan. Nawalan ng sigla sa katawan. At ang laging binabanggit ang pangalan ni Miguel.
   Sa sobrang takot, minsang nakatulog ang apo, sinakyan ni Lola Tasya ang kanilang kabayo. Ang balak ni Lola Tasya, makipagkita sa isang doktor sa bayan ng Lagundin.

   Nakarating na sa bayan ng Lagundin si Lola Tasya. Nagkataon, nagkita si Lola Tasya at si Manuel.

"Lola Tasya! . . . Lola Tasya, saan ho ang punta niyo? Nasagsag kayo. May problema po ba?" tanong ni Manuel sa matanda.

"M - Manuel, ikaw pala. Itatawag ko sana ng doktor si Almira ko. Manuel, may sakit siya." sagot naman ng matanda sa binata.

"Ganoon ho ba? Sasamahan ko na ho kayo." sagot muli ni Manuel.

   Nadaanan nina Manuel at Lola Tasya ang bahay ni Miguel. Sadyang inihinto ni Manuel ang kabayo.

"Lola Tasya, Manuel, napasyal kayo?" tanong ni Miguel sa dalawa.

"Miguel, susunduin ko si Doc. Carlos, kailangan siya ni Almira." sagot naman ni Lola Tasya.

"Ano ho bang nangyari kay Almira?" tanong muli ni Miguel sa matanda.

"Hindi ko alam, Miguel. Mula ng umalis ka, naging matamlay na siya. Ayaw kumain. Hindi makatulog, ayun, nanghina ang katawan at naratay sa higaan." muling tugon ng matanda sa tanong ng binata.

   May kung anong naramdaman si Miguel. Parang alam niya ang dahilan. Parang bahagi siya.

"Lola Tasya, Manuel, sige. May importante lang akong aasikasuhin." muling wika ni Miguel.

   Dumating sina Manuel, kasama si Doktor Carlos. Dala rin nito ang lumang sasakyan na sadyang ginagamit sa pagdalaw sa mga pasyente.
   Gising na si Almira nang dumating sila. Napilitan itong kumilos. Siyang dating naman ni Lola Tasya, kasama ang doktor.

   Sinuri ni Doktor Carlos si Almira. Matagal. Liban sa panghihina ng katawan, walang makitang sakit si Doctor Carlos. Liban na rin sa pamumutla. Nang sabihin ni Lola Tasya na hindi kumakain at makatulog, saka pa lang tumango ang doktor.

   Pagkatapos ng pagsusuri, lumabas ng kubo ang doktor kasama si Lola Tasya at Manuel.

"Ano ho ba ang sakit ng aking apo, doktor?" pagtatanong ng matanda sa doktor.

"Sa puso." agad na sagot ng doktor.

"Sa puso? Naku! May sakit pala sa puso ang apo ko." wika ni Lola Tasya ng may kalungkutan sa mga mata.

"Ang apo niyo po talaga ay walang sakit. Ang sakit ng apo niyo, sakit sa puso nga, pero iyong pag-ibig." paglilinaw ng doktor sa matanda.

"Umiibig siya kay Miguel." bulalas ni Manuel.

"At tipong wala ang pag-ibig na iyon. Iyon ang nagpapawala ng gana niyang kumain at mabuhay pa." muling tugon ng doktor.

"Hesus Maria Santisima! Ganoon ho ba, doktor? Iyon lang ang sakit niya? Pag-ibig lang?" bulalas naman ng matanda ng may pagtataka.

"Lola, ang pag-ibig, hindi lang nagpapaligaya. Bagkus pumapatay din ho ito." muling wika ni Doktor Carlos.

   Bago umalis ang doktor ay nagbigay ito ng bitamina na nagbibigay gana sa pagkain at makakatulog na si Almira.

   Umuwi na rin si Manuel. Iniisip ni Manuel, kung siya lang ay isang manunulat, tiyak na maisusulat niya ang kasaysayan nina Miguel, Laura, Lucho at Almira.

"Napakagandang kasaysayan ng pag-ibig. Ay hindi mo iisipin na mangyayari." (sa isip-isip ni Manuel)

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon