My Crush

32 0 0
                                    

I have a crush.

Engineering student siya. Halos lahat ng ideal ko, nasa kanya na. Matangkad, matalino, sporty at marunong tumugtog ng piano. Honestly, ako na lang ang kulang sa kanya. Charot.

Ang kulang na lang ay maging suplado siya sa ibang babae. Haliparot kasi yung crush ko. Ibang babae, hinaharot tapos ako, hindi? Nakaka-gigil siya!

Ako na nga gumagawa ng paraan para harutin siya, dedma pa rin. Grr, gigil talaga.

Kapag nagsasalubong kami, ngingitian ko siya at sasabihan ng 'hi crush!' pero iiwas lang siya na parang may nakakadiri akong sakit. Sapakin ko siya eh. Tapos mga messages ko, sini-seen niya lang.

Kaya, I decided to un-crush him na. Hindi ko na siya ngingitian, hindi ko na siya ime-message. I started yesterday.

---

Naglalakad ako ngayon papunta ng library ng masalubong ko siya. Nagkatinginan kami, pero imbes na ngitian ko siya, inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. 'Di ko na talaga siya type, bahala siya.

Pagkadating ko sa library, naghanap ako ng mauupuan at kinuha ang cellphone ko. Nag-facebook na lang ako dahil wala naman talaga akong magawa. Gusto ko lang talaga magpalamig. Tamang chill lang. May aircon dito eh, sa classroom wala.

Nagulat ako ng mag-message yung ex ko, ex-crush. Binuksan ko ito.

suplada mo naman.
seen

Sino ba siya? 'Di ba? Pagkatapos ko siyang ngiti-ngitian noon na di niya pinapansin at i-message message na siniseen niya lang? Pagkakataon ko na para gumanti.

seener mo naman.
seen

Nag-message ulit siya. Kapal talaga ng mukha. Parang siya, hindi. Pinatay ko na lang ang data ko atsaka yumuko. Itutulog ko na lang ito.

---

Napamulat ako ng maalala kong may klase pa pala ako ng 2:00 PM. Tinignan ko ang cellphone ko, 2:47 na pala. Napa-iling na lang ako. Inayos ko ang buhok ko at lumabas ng library. Uuwi na ako.

Naglalakad na ako sa pathway ng makasalubong ko ulit yung ex-crush ko. Kunware dedma lang ako sa kanya. May kasama siyang babae eh, naka-ngiti pa mag-usap ang dalawa. Akala naman niya nagseselos ako, oo kaya.

---

Pagka-uwi ko sa boarding house, nagbihis ako at nag-online. Tatanong ko sa mga kaklase ko kung ano ginawa nila.

            anong ginawa nyo kanina?
               seen by ....

wala si mam beh
seen by ....

             ganun ba? sige, thanks
                seen by ...

Ganyan sa GC namin, may sumasagot. Unlike sa ex-crush ko na puro seen.
Speaking of him, may chat siya sa akin.

hey
san ka?
ba't wala ka sa room niyo?
seen

Nag-charge na lang ako ng phone at inilabas ang mga notes ko. Mag-aaral na lang ako ng mabuti, kesa harutin ang isang taong 'di naman ako gusto.

---

Bago ako matulog, naka-ugalian ko ng manuod muna sa YouTube, saka syempre, mag-good night kay ex-crush. Pero ngayon, manonood lang ako.

Nagulat na lang ako ng nag-message yung ex-crush ko.

wala ba akong good night?
seen

Tsk, I closed the chathead at nagpunta sa YouTube nang bigla nanaman siyang mag-message.

miss ko na mga ngiti mo
seen

Nakakagigil kang pashnea ka! Nung nandyan, ayaw mo.

miss ko na mga good morning mo
seen

Ewan ko sayo!

miss ko na mga good night mo
seen

Isa pa talaga!

miss ko na mga pick up lines mo
seen

Aaaahhhh!

higit sa lahat
seen

Pabitin effect! Isa na lang talaga eh!

miss na kita :(
seen

Enebe, marhupowk eke ehh. Crush na ulit kita. Hmp!

          miss you too, crush. hehe
               seen

sabay tayo bukas.
manliligaw na ako.
baka mawala ka pa eh
good night
seen

     sige, crush.
     good night, sweet dreams ❤❤❤
             seen

Pigil ang tili ko at para akong baliw na nakangiting mag-isa. Nakinig na lang ako ng mga love songs at pinikit ang mata ko. May jowa na ako sa December! Haha.

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon