[March 25, 2048]

4 0 0
                                    

-Exactly 10 years after the trip from Bacolod-

[Elisius De Villa]

'Padayon'

Isang salita sa Hiligaynon na ang ibig sahin ay "magpatuloy".

Magpatuloy ka.

Mabuhay ka.

Ngumiti ka.

Giliw ko.

Unti-unting bumagsak ang kamay ko patungo sa kama niya, kasabay ng pagbagsak luha sa mata ko. Binanggit ko ang pangalan niya sa habang hawak ng isa kong kamay ang kaniyang braso.

Sa bawat segundong nakikita ko siyang nakahiga sa harapan ko na may dextrose sa kaniyang kaliwang braso, na nakikita kong may mga luhang walang tigil na bumabagsak sa dalawang mata niya, gayon sumasabay ang sakit, hirap at lungkot na nararamdaman ko. Ang lalaking dating halos hindi ko kilala, ngayon andito sa harapan ko, nakangiti ngunit may luhang pumapatak sa mga mata niya.

Biglang pumasok sa isip ko ang bawat ala-ala na mayroon ako sa kaniya. Ang bawat ngiti, lungkot at luha na nadama ko habang kasama ko siya. Ang bawat segundong nakasama at nakilala ko siya, ang bawat oras na pinaalala niya sa akin na mahal na mahal niya ako, lahat iyon ay hindi na maalis sa isip ko. Papaano nga bang humantong kami sa ganito? Papaanong ang kahapong puro ngiti pa kami ay mauuwi din sa ganitong oras na puro lungkot at lumbay ang mararamdaman namin?

— Flashback: March 24, 2048 —

Jackson and I were both standing on-stage as everyone in the auditorium applauds. Sabay-sabay kaming nag-bow na honor students and then later on we went down one by one. I rushed towards my family along with Jackson towards his family.

Jackson and I has been a couple for almost a year now I guess. I am really happy being with him, and the fact the our family accepts us both is what makes it more perfect. We both never let our parents down, although there are circumstances where we don't agree with each other sometimes, I find it really entertaining and fun to know that we're just a regular couple that sometimes argue too.

Nagplano sila mama na kumain sa buffet restaurant for a celebration — at syempre invited din sila Jackson — for our graduation and us both being a part of with honors. Gabi na natapos ang graduation, hapon nadin kasi ito nagsimula dahil may graduation ng high school students kaninang umaga.

Dumiretso na kami sa kotse ni papa at dumiretso sila Jackson sa sarili nilang kotse. Nagmaneho si papa matapos makaupo ni mama sa tabi niya.

"I am really.. really proud of you Eli." sabi ni papa habang nakatingin sa rear mirror.

Ngumiti ako sa kaniya at tiningnan ko siya.

"All of this is because of your endless supports, ma, pa. Without the two of you, I'd be totally hopeless." sagot ko sa kanila.

"Sus! Pakipot ka pa. Alam ko namang kasama din si Jackson sa mga reasons kung bakit ganiyan ka ngayon. Tingnan mo nga ang ngiti mo oh! Wagas!" pang-aasar na sabi sa akin ni ate Ella.

"Grabe ka ate ah! Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako kasi finally, I can fulfill my dreams?" sagot ko sa kaniya.

"Dreams? Baka dream nalang kasi isa sa mga dreams mo si Jackson diba?" pang-aasar ulit nito sa akin.

"Alam mo ewan ko sa'yo ate." sabi ko sa kaniya habang tumatawa.

Napatawa sila papa at mama sa aming dalawa ni ate. Hinawakan ni mama ang kamay ko mula sa kinauupuan niya at tumalikod siya para natingnan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Padayon: A DuologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon