KESHA'S
It's our Anniversary today. Three weeks ago, I asked Sky kung pwedeng sa bahay na lang niya sa Antipolo kami mag celebrate. Pumayag naman siya. Ako na lang din ang magpprepare ng foods. Balak kong lutuin yung mga paborito niya.
Nagkasundo kami na ako na ang bahala sa lahat. Nahihiya pa siya nung una pero napapayag ko din dahil busy rin siya sa recording niya.
Nag half-day ako sa work ngayon. It's a long drive kasi.
"Baks, ikaw na muna ulit bahala, ah." Sabi ko kay Judith.
"No worries. Happy Anniversary! Enjoy, ah. Ako na bahala dito."
Niyakap ko siya. "Thank you! The best ka."
"Wala yun. Gift ko na 'to sa inyo. Tsaka pala, sabi ni Jessie magkita na lang kayo. Tetext na lang daw niya exact location niya." Sabi niya. Si Jessie yung magdedecorate ng roofdeck together with her team. Hindi ko naman kasi kaya ng ako lang yun.
"Thank you, thank you. Labyu talaga!" Nagtawanan kami.
"Sige na, mahaba-haba pa biyahe mo. Baka ma-traffic ka nyan." I smiled and waved at her one more time bago lumabas ng office.
Bago pa ako tuluyang makalayo, nakasalubong ko si Monica. Ngumiti ako sa kanya.
"Half-day?" Tanong niya.
"Yep. Anniversary kasi namin ni Sky."
"Ow... kayo pa rin pala. Hehe, anyway, Happy Anniversary. Enjoy kayo, ah." Pagkatapos noon ay nilampasan na niya ako.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa "kami pa pala". Ayoko na lang sirain ang araw ko kaya hinayaan ko na.
I drove my way to Antipolo. He gave me a key to his rest house so I have access. Nagkita kami ni Jessie at nag convoy kami papuntang tagaytay.
Pagdating doon, binuksan ko ang pintuan. Kasunod ko ang team ni Jessie. Pinauna ko sila sa roofdeck dahil mag-aayos na ako ng mga lulutuin. Dumiretso ako ng kusina at nagsuot ng apron. Hinanda ko na rin ang mga lulutuin.
At 5pm, tapos na ang decoration, saktong tapos rin ng pagluluto ko.
"Thank you, Jess. Ang ganda nito. Thanks to your team, too."
"Anytime, Miss Kesh. Thank you din. Una na kami."
Tumango ako sa kanila at hinatid sila sa may gate.
Patapos na rin ang mga pagkain. I cooked Creamy Mushroom Pasta, Lasagna, Chicken Curry and I also prepared Greek Salad. I ordered pizza and cake since it's our anniversary.
I'm so happy! Everything is accomplished. Kaya nagbihis na ako. I wear my pink halter pencil knee length dress partnered with black stilleto heels. Kinulot ko din ang dulo ng buhok ko. Natapos ako saktong 6:00pm kaya umakyat na ako agad sa roofdeck.
I checked my watch and it's already 7pm. Pero wala pa rin si Sky. 7pm ang usapan namin. Hindi pa rin siya tumawag sakin. Naghintay pa ako ng thirty minutes. Baka kasi on the way na. Pero wala pa rin siya after one hour. Time passed and it's already 8:45pm kaya tinawagan ko na siya.
"Hey, papunta ka na ba?"
"Uhm... Kesh, iyon nga, eh..."
Kinabahan na ako agad pagkasabi niya 'non.
"Babe, sorry... baka hindi ako makapunta. May biglaang schedule kasi, eh."
"Huh? Para saan? Akala ko ba free day mo 'to?"
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?