"Alam kong alam mong ayaw ka namin sa pamilyang ito. Marahil nararamdaman mo iyon iha?" prangka ngunit andoon pa din ang pagiging magiliw ng ginang.
"Batid ko po iyon madamé." napapa-tungong sagot ko.
"At saan mo nakukuha ang iyong kapal ng mukha upang humarap pa sa amin?" 'rektang tanong nito.
"Mahal ko po ang apo ninyo madamé. Iyon po ang tanging pinang-kukuhanan ko ng kapal ng mukha upang humarap sa inyo." nakatungo pa rin ako, dahil hindi ko matagalan ang matatalas na tingin ng ginang.Natatawa itong tumayo saka nag-tungo sa balkonahe na nasa aking gilid.
Natatawa pa din ito at nagsindi ng kanyang mamahaling tabako na naka-silid sa kanyang kulay-kapeng pipa."Loving my grandson is facing centró iha. Alam mo ang ibig kong sabihin!" nagulat ako dahil sa lakas ng boses nitong nagdagdag sa kaba ko.
"A-ano h-oo bang. kinalaman ng centró dito madamé?" napapa-pikit akong napapa-lunok dahil nahihirapan akong itanong ang isang yan.
"At sino ka upang kwestyunin ang sinabi ko?" turan nito habang nakatingin sa akin. Animo'y mayroong daan-daang espada ang lumalabas sa kanyang mga mata at handang sugatan at gutay-gutayin ang katawan ko.
"Bueno, ang pagmamahal na sinasabi mo iha ay pantasya mo lamang. Sólo uno de su salvaje fantasía cariño." magiliw na ani nito ngunit hindi ko naintindihan ang panghuling sinabi nito dahil gumamit sya ng wikang Mehikano.
(Translation: Just one of your fantasy darling.)"Nais mo bang makarinig ng sikreto?" lumapit ito sa akin at marahang lumapit sa gawi ko.
Ang kaninang takot na naka-guhit sa aking mukha ay unti-unting napalitan ng matinding emosyon kasabay ng dahan-dahang pagbagsak ng aking mga luha at dahan-dahang pag-baluktot ng aking tuhod dahilan upang mapaluhod ako sa malamig na semento na aking kinatatayuan lamang kanina. Matinding panghihina at sama ng loob ang namumutawi sa aking kalooban.
"Bueno, mga gwardiya, ilabas na ang isang ito!" utos ng natatawang ginang saka ako iniwan.
Dali-dali naman akong hinila ng mga gwardiya, wala akong nagawa kundi ang magpa-ubaya na lamang sa kanila habang nakatulala sa kawalan, lumuluhang wina-waglit sa aking isipan na hindi niya kailanman magagawa iyon.
✍️:queenofciro