Paano nga ba nagsimula?
Saan nga ba unang tumaya?
Maaasahan mo ba ang kasalukuyan?
O habang maaga pa ay kailangan nang wakasan?
Walang naging matinong usapan
usapang nauwi sa kwentuhan
kwentuhang gumawa ng tawanan
tawanang nag usbong sa pagtitinginan.
Hindi malinaw kung saan nagsimula
umasa nalang sa daloy ng tadhana
malabo rin kung may mapapala
kailan nga ba dapat kumawala.
Hindi napigilan ang damdamin
tinangkang ika'y buong pusong mahalin
hindi na inisip kung ano ang sasapitin
sinadyang ang bawat bukas ay baliwalain.
Dumating ang sandali
naramdaman ay puro pighati
di alam kung saan nagkamali
sarili ang naging katunggali.
Sa mga pagsubok ay di nagpadaig
nagtiwalang ito'y totoong pag-ibig
isa't-isa'y inintindi ang ibig
buong pusong kinilala ang bawat panig.
Pag-aalinlanga'y isinantabi
naging masaya sa iyong tabi
napiling desisyon ay tama man o mali
pangakong di pagsisihan hanggang masawi.
Tunay na kaligayan ngayo'y nadarama
huwag na sanang ito'y magwakas pa
sa bawat bukas at pagmulat ng mata
hiling ko'y ikaw na sana ang laging makita.
Hindi na importante kung paano nagsimula
hindi na rin mahalaga kung saan unang tumaya
pinili man ang desisyon o tinadhana
ikaw pa rin ang mamahalin di man malinaw ang
...WAKAS.. SIMULA.. O GITNA.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
9 verses for 9 months of love.♥
Happy nine months bibi. I Love You.
(adbans. :p)