Kabanata 31
Cold Cash
Namumugto ang mga mata kong tumingin sa tv. I rented a place to stay for the night and bought clothes so I can change. It's 11 in the morning. Wala pa akong tulog at nanghihina.
"Bagong taon, isang kotse ang sumalpok at tumaob kaninang ala-una nang madaling araw sa Pasay City. Napag-alamang isa ito sa mga kilalang apo ng bilyonaryong si Emilio Vonriego na si Elijah Vonriego..."
Tila ba nabato ako sa kinauupuan ko. Kita ko ang kotse ni Elijah sa tv na nakataob sa kalsada at basag-basag pa ang mga bintana. Wala sa sariling napatayo ako at umalis sa apartment.
Fuck. I need to see him!
Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko sa motel at sinabihan kung saan si Elijah naka-admit. Nanlalamig ang mga kamay ko habang lubos na nag-aalala sa lagay niya. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Naninikip ito sa taranta ko.
"Pakibilisan po sana, manong."
Hindi ako magkanda-ugaga. Bakit ngayon ko lang nalaman? Fuck. Kasalanan ko 'to! Huminga ako nang malalim at sinilip ang bintana.
"Please po, manong. Nagmamadali po ako."
Binuksan ko naman ang cellphone ko at nakitang may 34 missed calls at 28 unread messages ako galing sa kanya kaninang ala-una. Hindi ko napigilang umiyak sa kaba. No, please. Nagsisisi ako na umalis ako kaagad kaninang madaling-araw. Sana maayos ang lagay niya ngayon. Kabang-kaba ako.
Yung takot ko noong maaksidente kami ni Jaja, bumabalik nanaman. I'm panicking inside at hindi ko na alam ang gagawin. I lost Jaja, please naman, 'wag si Elijah.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng ospital. Agad ko namang nakita si Tak na kalalabas lang ng elevator at suot parin ang damit kanina. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Tak, nasaan si Eli? Please! Nasaan siya?" Habol ko ang hininga ko.
"You shouldn't be here, Ash." Sabi ni Tak. Hinawakan ko ang braso niya.
"Parang awa mo na, Tak. Gusto ko siyang makita.." Pagmamakaawa ko.
"Ashley, please. Hindi-"
"Just let me see him. Aalis din agad ako."
Sinamahan naman niya ako.
"He's in ICU, kritikal pa ang lagay niya." Walang emosyong sabi ni Tak habang naglalakad kami papunta kay Eli. Mas lalo akong binalot ng takot nang marinig ko ang sinabi niya.
"Paano?.."
"Pinigilan siya ni Lalaina pero nagpumilit siya at sinundan ka niya. He's furious.. He walked out." He cleared his throat. "Then may tumawag na lang sa amin na naaksidente siya."
"Kasalanan ko.. Sana hindi na lang ako umalis."
"Wala kang kasalanan, Ash."
Huminto kami sa tapat ng pintuan papasok sa ICU. Nandito ang pamilya ni Elijah sa labas at nakaupo. Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa isang babae.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Lalaina sa akin.
"Layne, please!" Pumagitna si Tak sa amin at pinigilan si Lalaina.
"Because of you, Elijah almost died! Fuck you!" Iyak niya.
Nakatingin sa akin ngayon ang pamilya ni Elijah. All of them, in tears. Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanila. Lumabas naman sa ICU ang mommy ni Elijah na namumugto ang mga mata.
"What is that woman doing here?! Ha?!" Sigaw nito nang makita ako. Nang makalapit siya sa akin ay itinulak niya ako nang malakas. Napaupo ako sa lapag.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...