Chapter 14

2K 53 18
                                    


"Anak...gising na,nandyan si harold!" Nagising ako dahil sa sigaw ni dad mula sa labas ng pinto "Sige dad"Tugon ko sa kanya habang inaantok pa talaga ang aking mga mata pero kaylangan ko nang magising,ayaw ko 'din naman na paghintayin si harold sa labas,noh.Bakit kaya ang aga-aga niya? Kaya dali-dali akong bumangon at agad na naligo.Nagbihis agad ako ng aking uniform.Naglalakad palang ako sa hagdan at nakailang hakbang palang ako ay tanaw na tanaw kuna si harols sa baba na nakaupo sa couch habang may hawak na bulaklak sa kamay at natanaw ko naman si dad na abala sa pagluluto..meron kaming katulong dito sa bahay pero gusto din kasi na sya daw magluto,mahilig kasi sya sa pagluluto

"Morning" kaswal kong bati sa kanila nang tuluyan akong makababa ng hagdan.Kaya agad akong nilingon ni dad at si harold naman ay agad niyang naiangat ang kanyang paningin sa 'kin "Morning din anak"nakangiting tugon ni dad habang nakatingin sa 'kin.Pero bigla nagbaling-baling ang kanyang paningin sa 'min ni harold "Ako ba ang sinabihan mo ng morning,anak?" Dad asked habang ang kanyang paningin ay binaling sa kanyang niluto

"Kayong dalawa,dad" saad ko na ang aking paningin ay nakay harold "Morning din" nakangiting ani harold at tumayo sya at  ibinigay niya ang bulaklak na hawak  sakin at tumikhim naman si dad pero hindi ko nalang namin iyon pinansin.Kinuha ko naman ang bulaklak sa nakalahad niyang kamay,isang kulay pula na rosas na kay bango pa..."Ba't ang aga mo yata?" I asked him at sabay kaming umupo sa couch

"Kasi,ah-eh"parang nauutal niyang aniya na parang hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.Tumingin sya kay dad at muling tumingin sakin kaya tinignan kodin sya na animo'y sinasabi na 'ano?'.Napabuga muna sya ng hangin bago muling nagsalita

"Maaga kasi akong nagising.Kaya maaga din akong pumunta dito" parang nahihiya niyang ani.At eksakto naman na tapos na magluto si dad kaya agaran niya itong hinain sa mesa.Tinulungan ko si dad

"Harold... halika,kumain na tayo...alam kung hindi kapa kumain kasi sa napaka aga mo"yaya ko kay harold.Nakaupo padin sya ng pandekwatro habang magkakrus ang mga braso "Ah eh...busog pa ako,ehrien...salamat nalang" nanatili parin ang hiya sa kanyang boses.Siguro nahihiya sya kay dad "Halika kana iho, wag kanang mahiya...sabayan muna kami" pangungumbinsi naman ni dad kay harold "Kayo nalang po tito,hihintayin ko nalang po si ehrien...para sabay kaming pumasok" ani harold habang di makatingin ng diretso kay dad.Hindi man lang nagbago ang pwesto ng kanyang katawan na para bang sanay na sanay na sya ng nakaupo na ganon "Sige ka, pag dimo kami sinabayan,hindi kana makakabalik pa dito" pambabanta ni dad kaya biglang nanlaki yung mata ni harold

"Dad,wag mo namang pambantaan si harold"

"Sige na nga po kakain na ako" at tumayo na sya at naglalakad na papalapit sa mesa...napatawa nalang ako at gumuhit naman ang ngisi sa labi ni dad...Takot din pala syang dina makabalik pa dito....hahahaha..

"Takot pala tong di makabalik dito ehh" Tumatawa pang saad ni dad habang ang paningin ay nakay harold.Napayuko nalang si harold...

"Nililigawan mo ba tong anak ko?" Diretsang tanong ni dad kaya napaangat ng tingin so harold at sinalubong ang tingin ni dad...biglang nag-iba ang reaksyon ng mukha ni dad anv kaninang nakangiti at biglang sumeryoso....galit ba sya? Papayagan niya kaya si harold ni ligwan ako? "Po?"habang nanatili sa kanyang mukha ang pagiging inosente "Nililigawan mo ba kako yung anak ko?"Dad asked again kaya tumango-tango nalang si harold ....Ang cute...Ang cute niya sa paraan ng pagtango niya habang nakanguso...

"Bakit mo nililigawan yung anak ko?"nanatili padin ang pagiging Seryoso sa boses at mukha ni dad "Kasi po gusto ko po yung anak niyo" harold answered while theres a.smile in his lips

"Bakit mo naman gusto yung anak ko?" Napailing-iling nalang ako sa mga naging tanong ni dad.Kasi kung ano kasi ang isasagot ni harold ay yun din ang kanyang itatanong

"Hindi ko po alam"kaya biglang nanlaki yung mga singkit na mata ni dad at maski ako ay nagulat ng dahil sa naging sagot niya "Hindi mo alam?" Mukhang naiinis na saad ni dad ngunit bakas parin sa mukha ni harold ang pagiging kalmado "Opo,kasi...Once you fall inlove to a one person without knowing the reason that's what they called LOVE"ani harold habang diniin talaga ang salitang love.Saan naman kaya niya nakuha ang mga salitang yun?

"Ganon ba?" Habang ipinagpatuloy ni papa ang pagnguya sa pagkain na kanyang kinain "Opo,tito" nanatili parin ang pagiging magalang at marespeto sa boses ni harold

"Sige,papayag akong ligawan mo sya" kaya biglang napangiti ng abot tenga si harold sa sinabi ni dad ...Si dad talaga ang dami pang tanong bago pumayag...pero masaya ako kay harold...Siguro nga time na para magmahal ulit ako,sana nga matutunan ko syang mahalin.Sana nga mapalitan na niya sa puso ko si mondraine "Talaga po?" Hindi makapaniwalang ani harold at binalingan niya ako ng tingin at nguniti "Bakit? Gusto mo bang bawiin ko yung sinabi ko?" Nakataas kilay na giit ni dad "Ah hindi po,hindi po....ang saya ko lang po talaga na pinayagan niyo ako na manligaw sa anak niyo" Hindi din ako makapaniwala na pinayagan ni dad na manligaw si harold.Kitang-kita mo talaga ang saya sa mukha ni harold

"You deserve that happiness,iho" nakangiti ding aniya habang kumuha na naman ng pagkain at isinubo agad iyon.

Nang matapos na kami sa pagkaun ay agad kaming namaalam kay dad na umalis na "Dad,alis napo kami"

"Alis napo kami,tito" pamamaalam namin ni harold kay dad. "Mag-ingat ka sa pag drive mo,iho...ingatan mo tong anak ko" tumango naman si harold sa sinabi ni dad at yumakap muna ako sa kanya bago kami tuluyang lumabas.Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang may mapansin ako na may nakasunod na itim na kotse samin.Diko alam kung nahahalata ba ito ni harold o hindi.Hindi ko din alam kung kalaban ba ito o kakampi.Nilingon ko ang kotse ngunit diko maaninag ang nakasakay sa kotae ng dahil sa kapal at itim na salamin nito.Hindi naman ako masyadong kinabahan kasi hindi naman gabi ngunit natatakot lamang ako na baka mga utusan naman to ni yashira.Hindi ako natatakot para sa aking sarili kasi alam ko naman kung pano lumaban bagkus ay natatakot ako para saking mga kaibigan at kay harold baka may kung anong gawin sila na syang ikakapahamak nila pero napanatag naman ang aking loob ng hindi pa pala alam nina yashira kung sino ako,o kung sino talaga ako.At sa ngayon ay wala pa akong balak ipaalam sa kanila baka gamitin nila ang aking mga kaibigan laban sa'kin.Mas mabuting alam muna nila ang pangalan ko at hindi ang pagkatao ko.

Nabalik ako sa reyalidad ng ihinto ni harold ang sasakyan "Nandito na tayo,ehrien" mahinang sambit ni harold kaya tumango na lamang ako at agad na lumabas.Umuna akong lumakad at sumunod sa'kin at pinantayan ang aking mga lakad

"May bumabagabag ba sa iyong isipan, ehrien?" Umiling-iling lamang ako "Bakit tila nawala ka sa mood?" Tanong niya muli,marami nang nakatingin samin at nagbulong-bulungan ngunit kagaya noon ay hindi ko ito pinansin "Ahh may naisip lang ako" pagdadahilan ko ngunit mas nagulat pa ako sa sunod niyang sinabi "Si mondraine ba?" Kaya bigla akong napatingin sa kanya at biglang sumimangot ang kanyang mukha

"Hindi" hindi ko naman talaga iniisip si mondraine eh...

"Okay" inihatid muna niya ako sa aking room at namaalam sakin bago umalis

To be continued...

The COLD'S GIRL REVENGE (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon