KABANATA 8: Balik Sa Simula

14 0 0
                                    

   Sabado ng hapon. Naisipan ni Miguel na dalawin si Laura. Isinama niya si Manuel.

"Tata Pedring, Aling Perla, napasyal lang po ako. Kamusta po kayo?" bati ni Miguel sa mga magulang ni Laura.

"Mabuti naman, kami. Ikaw, magaling na magaling na ba?" agad na tugon ni aling Perla sa binata.

"Ayos na ayos na ho." tugon naman ni Miguel.

"Mabuti naman kung ganoon." sabat naman ni Mang Pedring.

"Si Laura, ho?" tanong ni Miguel sa dalawang matanda.

"Naku, nasa tumana, namimitas ng gulay, kasama ang mga kadalagahan." sagot naman ni Aling Perla.

"Hindi ho kaya masamain ni Laura ang pagdalaw ko?" wika ni Miguel.

"Wala siyang dapat ikasama ng loob. Siya pa nga e, ang nakaunawa ng lahat-lahat e." sagot naman ni Mang Pedring.

   Mula sa tumana, nagbibiruan pa ang mga dalaga na kasama ni Laura. Nang matanaw ni Belen si Miguel sa balkon.

"Laura, may bisita ka, si Miguel." wika ni Belen kay Laura.

"H - Ha?!" utal na sambit ni Laura sa pagkakagulat.

   Nabigla si Laura. Tinapunan ng tingin ang balkon. Si Miguel nga, kausap ng kanyang mga magulang.

"O, paano, hihiwalay na kami sa iyo." wika ni Belen kay Laura.

   Tumango lang si Laura. Humiwalay na ang mga dalaga. Tinatagan ni Laura ang kanyang sarili.
   Agad tumayo si Miguel, nang makitang paakyat ang dalaga. Si Aling Perla, agad naman kinuha ang buslo ng mga gulay.

"Magandang hapon Laura." bati ni Miguel kay Laura.

"Ikaw pala, Miguel. Napasyal ka, ha?" wika naman ni Laura.

"Gusto ko lang dalawin, ikaw." sagot ng binata sa dalaga.

"Maraming salamat sa pagdalaw." agad namang wika ni Laura sa binata.

"Gumanda ka pa lalo." wika ni Miguel.

"Umitim ka pa sa dating maitim." agad naman sagot ni Laura.

"Dati naman akong kayumanggi, a. Pilipinong-pilipino." tugon naman ni Miguel.

   Nagtawanan ang dalawa. Kapwa sila mahusay magdala ng kanilang mga damdamin.

"Laura, manliligaw uli ako sa iyo." pagbago ni Miguel ng usapan.

"Bahala ka. Wala namang magbabawal sa iyo." agad naman wika ng Laura.

"Wala nga, pero may dapat isipin." wika ni Miguel.

"Sino?" tanong ni Laura.

"Si Lucho." sagot ni Miguel.

   Napayuko si Laura. Si Lucho, ay isa sa tauhan ng kanilang kasaysayan ng kanilang pag-iibigan. Hindi maaaring, hindi ito mabanggit.

"Edi, bukas pa pala ang pinto para sa akin?" wika ni Miguel ng may paninigurado.

"Bukas na bukas, Miguel. Isa ka sa mga taong napalapit na sa akin." sagot naman ni Laura.

"Kasama ako riyan, ha?" sabat ng isang tinig na nagmumula sa ibaba ng hagdan.

   Nagulat ang dalawa sa tinig na narinig. Si Lucho pala ay dumating. Agad itong umakyat at nagbigay galang kay Laura.

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon