After those days na hindi ako mapakali sa mga nalaman ko ay lalong umigting 'yung pagkagusto at pagmamahal ko kay Ava. I didn't know na aabot ako sa puntong ganito. I thought it was all new to me but it turns out na matagal ko na syang gusto at mula nang nagbago ang lahat sa akin ay duon ko lang nakumpirrma. Na sa kanya lang babalik ang puso ko, pero nananalangin ako na sana... sana hindi pa huli para bumawi ako. Sana may space pa ako sa puso nya.
I was gloomy walking alone papuntang garden para makapagpahinga from all my subject today. Actually hindi naman ako napagod talaga sa mga klase ko kundi sa lahat ng mga iniisip ko. Hindi ko na rin pinupuntahan ang cafeteria pansamantala. Oo, gusto kong bumawi kay Ava pero gusto ko rin muna bigyan nang oras yung sarili ko na makapag-isip nang tama.
"Hey," bati sa akin ng isang boses mula sa likod ko kaya agad akong tumingin kahit alam ko na naman kung sino iyon.
"Hey," tipid na balik ko. I smiled a little to Harvie.
"Have you eaten your lunch? Naging malungkot na yung table natin sa cafeteria, You and Camille were always missing... ang hirap nang hindi kumpleto, halos walang umiimik," muling saad nito.
I look at Harvie for quite a while and he's looking at those people who just kept on passing by. Halatang kahit papaano ay may iniisip ito kasabay nang malungkot kong damdamin na alam kong ramdam nya.
"I'm sorry, Harvie..." muling tipid kong sabi.
"It's okay, Vienne." Tipid nitong ngiti sa akin kahit na hindi ko man lang inelaborate kung ano yung gusto kong sabihin. He can feel it and he knows it.
"I tried, pero alam kong matagal na rin naman akong talo," muling sabi ni Harvie.
I feel guilty and hurt kaya naman hindi ko napigilan maiyak. I lean on his shoulder while he's still looking ahead nowhere. "At least nasabi ko 'di ba? Kahit na sobrang tagal. Kahit na alam kong 'di na kaya. At least nagawa ko," he chuckled.
"How can all our friendship be this tangled? I hate myself for being the root of all your pain. Not just yours and Camille but also specially to Ava." I said still leaning on Harvie's shoulder.
Alam kong sa sinabi ko ay lalong nalinawan si Harvie. That it is all about Ava and our childhood but he did not bother to put another pressure on the topic. Harvie has always been like this understanding. Maswerte ang taong mamahalin nya na alam kong ang pagmamahal na iyon ay hindi nararapat sa akin.
"I'm letting you go, Vienne. Masakit man but I have to, gaya nga ng sabi sa kanta, all you know you love her when you let her go," he chuckled again kahit na ramdam kong nasasaktan pa rin sya. I wonder if I can do that to Ava too kung talagang gusto nya na si Wilson. Kaya ko ba?
"I'm really sorry, Harvie," muling sabi ko.
"It's okay, Vienne, really. Saksi ako kung gaano ka mahalin ni Ava, Vienne, kaya kung may magugustuhan ka ay gusto ko eh dun sa taong mahal na mahal ka talaga kahit pa hindi na ako yun. Ayokong kay Wilson lang sya mapunta. Wilson is just addicted to Ava and the thougth of him getting her but he doesn't know how to really love a person."
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
General FictionVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...