DARCY
Agad-agad akong umuwi galing school para makapaghanda mamaya pagpunta ko sa bahay nina Brex. Pumayag na lang ako kasi gagawin lang din naman namin yung study namin sa Research.
Kumuha ako sa closet ko ng isang maliit na shoulder bag at nilagay dun ang necessities ko. Ballpens, markers, isang notebook at personal care products.
After kong mailagay lahat ng kailangan ko, oras naman para ayusin ko yung itsura ko. Ayaw ko namang makilala ako ng mga magulang nila na maruming tao.
Para sa pang-itaas ko nagsuot ako ng black shirt na may embroidery na bulaklak. Sa pambaba nagsuot ako ng maong na ripped jeans. And finally, sa footwear ko nagsuot ako ng pink doll shoes.
Nakauwi na pala si Mama galing trabaho niya kaninang umaga ilang sandali matapos naming umalis ni Kuya para pumasok kaya lumabas na'ko ng kwarto ko para makapagpaalam na sa kanya.
Naabutan ko si Mama na nasa sala nanunuod sa TV habang nakaupo sa sofa. Nilapitan ko siya at tsaka nagsalita. "Ma, aalis po ako ngayun. Baka gabihin po ako. "
Tinignan niya akong nakangiti. "Saan punta mo nak? "
"Gagawa po kami ng partner ko ng study namin para sa research. "
"Ah ganun ba? Kakasimula pa lang ng pasukan may research na agad."
"Kaya nga po eh. "
"Ang sabihin mo, makikipagkita ka lang sa boyfriend mo. " sabi ng isang boses sa kabilang sulok ng sala. Sobra na pa nga siya! Wala na siyang pake kahit nandito si Mama.
Tinignan ako ni Mama na may isang seryosong ekspresyon sa mukha. "Anak may boyfriend ka na ba? "
"Ma, wala po. " sagot ko sa kanya sabay tinignan ko ang Kuya ko kung saan nakasandal siya sa pader papuntang kusina.
"Wala namang problema sa'kin kung may boyfriend ka anak. Ang gusto ko lang sana ipakilala mo siya sa'kin. " Kahit kailan talaga napakabait ni Mama. Napakasupportive niya, pero wala pa din naman sa isip ko ang magboyfriend hanggat hindi pa'ko nag-e-18. "Ayaw ko lang na sasaktan ka nung lalaki tapos wala man lang akong magawa para sayo. " Dagdag niya. Nakakatouch ka naman masyado Ma.
Nilapitan ko si Mama tsaka niyakap mula sa likod. "Wala pa po talaga akong boyfriend Ma at kung meron man,promise sayo ko siya unang ipapakilala." Saad ko habang nakaakap kay Mama
"Bakit hindi mo sabihin kay Mama na lalaki yung kapartner mo? " Epal talaga tong kapatid ko.
Hindi ko na kailangan pa makipagtalo kay Kuya kasi si Mama na yung gumawa nun para sa'kin. "Daryl, ano bang problema mo sa kapatid mo? Ano naman kung lalaki yung kapartner niya? Alam na ng kapatid mo ang mga tama at mali, dapat matuto kang magtiwala sa kapatid mo. "
Nakita kong napairap si Kuya, "Ma, hindi ako kay Darcy walang tiwala, kundi dun sa kapatid ng kapartner niya. "
"Oh ano namang meron sa kapatid niya."
"Mapapahamak lang yan si Darcy pag kasama sila."
Eto nanaman siya sa mapapahamak ako. Napaka O.A. talaga ni Kuya. Paano naman ako mapapahamak kung nasa bahay ako nina Brix? Wala pa rin talaga siyang balak magpaliwanag.
"Malaki na yang kapatid mo Daryl, hindi mo na siya kailangan pang bantayan lagi. Next month 18 na yang kapatid mo."
"Bahala na lang talaga siya pag may nangyare sa kanyang masama. " inis na sabi ni Kuya. Dumaan siya sa kinakatayuan ko at nagkatinginan kami tapos umakyat na siya sa hagdan ng pabalagbag.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Triplets
Novela JuvenilWhat will happen to Darcy's life once she meets not just one, not just two but three guys with the same face but with their own unique personalities? Find out in 'Stuck With The Triplets' Started: July 14,2020 Finished: