DARCY DEL JACINTO
"Kakain na daw. " sabi ni Brax sa'min
Oh shit! Bakit ba'ko kinakabahan na makilala Mama nung tatlo. I have a very bad feeling about this.
"Tara na ba Darcy? " aya sa'kin ni Brex.
"A-Ah sige lang. " nauutal kong sagot. Baka naman kasi nakakatakot o kaya baka masungit Mama nila. Baka mamaya kainin ako nun ng buhay.
"Magdamit ka na nga Tonton. Nakakahiya sa bisita natin. " natatawang sabi ni Brex sa kapatid.
Tinaasan siya ng kilay ni Brax. "At bakit? Bahay natin to. "
Nagkibit-balikat naman si Brex sa sinabi ni Brax. "Kakain na din kasi tayo tanga! Wag mong sabihin kakain ka na ganyan ka lang? "
"Ok,fine. " Nakapout na sabi niya. Umalis na siya sa kinakatayuan niya at tumungo na papuntang kwarto niya.
Ang cute din pala nito ni Brax pag nakapout. Di mo iisiping bad boy siya.
Lumabas na kami mula sa kwarto ni Brex at pumunta sa katabing kwarto nito na meron namang nakaukit na letrang 'I' sa pinto.Dito din nanggagaling yung malakas na tugtog na kanina ko pa naririnig. Ito na siguro yung kwarto ni Brix.
Lumapit si Brex dito tsaka kumatok. "Xen!" sigaw niya para marinig siya ng kapatid sa loob. "Xen! Kakain na! " sigaw niya ulit.
Bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan yung mga makikita ko. Napatakip nanaman ako ng mata ko ng makita ko si Brix na katulad lang ni Brax ay nakahubad ng pang-itaas. Here we go again. Uso yata talaga dito sa bahay nila yung nakahubad ang pang-taas.
Nagulat si Brix ng makita niya ako kasama ng kapatid niya at agad niyang sinara ang pinto ng kwarto niya.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto niya ay tinanggal ko na sa pagkakatakip yung mga kamay ko.
Tinignan ko sa tabi ko si Brex na nakatingin din sa'kin ng nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin at tinanong, "Bakit? "
"Cute mo kasi pag nagkakaganyan ka." Puri niya sa'kin.
Pakiramdam ko namumula yung mga pisngi ko sa mga sinabi niya. Totoo ba yung mga narinig ko? Sinabihan niya akong cute ako! Alam ko naman na yun dati pa pero ang lakas ng dating nung pagkakasabi niya eh! Dapat na ba akong kiligin? Shemay naman oh!
"Ah Thank you! " mahina kong pagkakasabi.
Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa'kin. "Nagbablush ka oh. "
Napahawak ako sa mukha ko at pinakiramdaman ko kung nagbablush nga ba ako. At tama nga yata si Brex kasi nagiinit yung mga pisngi ko. "Ha? Hindi kaya. " pagtanggi ko sa mga sinabi niya. Masyado kang pahalata Darce!
Pagkatapos nun ay bumukas na ulit yung kwarto ni Brix at ngayun ay nakasuot na siya ng t-shirt na pink. Ang gwapo talaga nung mga lalaking nakapink shems.
"Sorry about dun Haha.Nandyan nga pala si Darce, nakalimutan ko. " paghingi niya ng pasensya sabay hinawi niya ang buhok niya. Shet mas gumagwapo si Brix sa ginagawa niya eh.
"Ay ok lang yun. " tugon ko.
"Pero aminin nagustuhan niya yung view kanina. " singit ni Brax na ngayun ay nasa likod na pala namin.
Hindi ko kaya siya nagustuhan! Sabihin na lang natin nagagandahan ako sa katawan nila, Hehe.
Para hindi nila mahalata ay nagkibit balikat ako at nakakunot noong naglakad palayo sa kanila. Saan nga ba ulit yung pababa?
BINABASA MO ANG
Stuck With The Triplets
Teen FictionWhat will happen to Darcy's life once she meets not just one, not just two but three guys with the same face but with their own unique personalities? Find out in 'Stuck With The Triplets' Started: July 14,2020 Finished: