CHAPTER 10- Triple Birthday

14 0 0
                                    

DARCY DEL JACINTO

Nandito kami ngayun sa tinatambayan ko sa labas ng school kung saan kami susunduin ng 'service' daw papunta sa bahay-slash-mansyon nung tatlo para sa birthday nila.

"Bakit ang daming tao dito? " tanong ni Guine na nakaupo sa tabi ko.

Totoo ngang kanina pa maraming taong nagdadatingan dito sa tapat ng school. Mga HE students yung iba, alam ko kasi namumukhaan ko sila.

"Actually,mga bisita din yan ng tatlo. "

Tumingin kami ni Guine kay Lewis na may gulat na ekspresyon sa mga mukha namin. "Seryoso? Lahat yan? Bisita nila? " di makapaniwalang tanong ko.

"Uhum." tango niya.

"Grabe, ang yaman pala talaga siguro nung tatlong yun. Kasi tignan mo ba naman, buong school inimbitahan nila. " pag-eexaggerate ni Guine.

Ngayun pa lang din pala makakapunta si Guine sa bahay nung tatlo kaya alam kong magugulat din siya kapag nakita niya yung bahay nila na parang palasyo.

"Grabe buong school talaga? Di ba pwedeng buong TVL-HE lang? "

"Dami kasi Fren tignan mo oh."

"May iba dyan ba wala sa HE. Yung iba kasama ni Brax sa basketball tapos yung iba kasama ni Brix sa dance team. " paliwanag ni Lewis.

"Ay oo nga noh! Kasama pala yung dance team kasi ayun na si Shini oh." nguso ko ng makita kong papunta sa'min si Shini.

"Hi guys! Di na'ko makapagantay na pumunta sa birthday nila. " excited na saad ni Shini.

"Ako,di na'ko makapagantay na makita yung magiging reaksyon nung tatlo pag nakita yung regalo mo sa kanila. " pang-aasar ni Lewis.

Tinalasan ng tingin ni Shini si Lewis tsaka inirapan. "Bahala ka nga dyan. Di tayo bate. " Parang bata din pala 'tong si Shini. Nakakatawa din siya at masarap kasama.

Maya-maya ay may tatlong van na pumarada sa parking lot ng school.
Nagsipila ang mga estudyante na para bang nasa field trip at sasakay sa bus.

"Ayan na yung mga service. Sakay na kayo. " tulak sa'kin ni Lewis papunta sa mga van.

"Bakit kami lang? " tanong ko at lahat kami nakatingin sa kanya.

"Kasi sa kotse ko ako sasakay. Nandun kasi yung regalo ko hindi magkakasya pag sa van. " paliwanag niya.

"Ano ba naman kasi yung regalo mo? " taas kilay na tanong ni Guine.

"Tinatawanan mo yung regalo ko tapos baka mamaya mas panget pala yung sayo. " sabat ni Shini.

"Makikita niyo din mamaya. " pamisteryosong saad ni Lewis tsaka umalis para sumakay sa kotse niya.

"Tara na nga bahala siya dyan. " si Guine na kunwareng naiinis.

Nagsitakbuhan ang lahat ng mga nandun papasok sa mga van at kami ay nakasunod lang.

Nang makapasok kami sa isa sa mga van ay nakita kong lahat ng upuan sa harap at gitna ay okupado na kaya sa dulo kami mauupo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon