LEA'S POV
Calem: mama, pakitulungan po ako.
Lea: ano bang nangyari sa inyo, bakit basang basa kayo.?
Calem: nabasa po kami ng ulan, inaapoy ng lagnat si shantal.
Lea: e bakit dito mo sya inuwi, baka nag-aalala na ang tita Sarah mo.
Calem: ayaw nya pong umuwi sa kanila, baka lalo po kasing mag-alala si tita.
Lea: sabagay, tama sya dun. sige sa kwarto mo na sya ihiga, kukuha lang ako ng damit at twalya.
"ano ba kasing nangyari sa mga batang to, ang lalaki na pero naisipan pang maligo sa ulan."
Calem: bakit ba kasi si Laurence pa ang minahal mo, e pinababayaan ka naman nya. nandito
naman ako, naghihintay lang namapansin mo. ako na lang kasi, pangako hindi ko gagawin sayo
lahat ng ginagawa nya. hindi kita paghihintayin at babalewalain. (to shantal)
"mahal ng anak ko si shantal at sobra na syang nasasaktan. bakit ba hindi ko yun agad napansin
edi sana may nagawa man lang ako para mabawasan yung sakit na nararamdaman nya."
Lea: anak papalitan ko muna ng damit si Shantal, magpalit ka na din baka magsakit ka pa.
Calem: sige po mama, babalik din po ako agad.
Lea: sige anak.
"ikaw pala ang babaeng mahal na mahal ng anak ko, pero ikaw din ang sobrang nananakit sa
kanya. kaya pala kahit noon pa man hindi ka nya magawang tiisin, kahit pa laging na kay Laurence
ang atensyon mo, tumatanggi man sya sa gusto mo pero kahit kelan hindi pa rin sya makatiis na
sundin ka. dahil mahal na mahal ka pala nya. sana lang mabigyan sya ng pagkakataong sumaya
sayo, dahil sa maraming taon na pagiging magkaibigan nyo lagi na lang sya ang nagbibigay at
dahil dun nasasaktan ako para sa anak ko."
Calem: mama, tapos na po ba kayo.
Lea: oo anak, san ka nga pala matutulog?
Calem: sa sala na lang po ako, at ako na rin po ang mag-babantay sa kanya.
Lea: ito yung mga gamot nya ha, ipainom mo sa kanya mamaya.
Calem:opo mama, salamat po.
Lea: wag mo nga palang kalimutang tawagan ang tita Sarah mo ha para hindi sya mag-aalala.
Calem: oo nga po pala. sige po tatawagan ko po si tita. magpahinga na po kayo.
Lea: sige anak, magpahinga ka na rin.
Calem: opo mama, good night po. :-*
Lea: goodnight din anak.
(at Shantal's house)
Sarah: hon hindi pa ba natawag sayo si shantal?
Albert: hindi pa hon, san ba sya pumunta huh?
Sarah: ang alam ko may usapan sila ni Laurence e.
(phone's ringing)
Sarah: si Calem natawag.
Albert: sagutin mo baka kasama nya si shantal.
Sarah: hello, calem kasama mo ba si shantal. hindi pa kasi sya umuuwi e.
Calem: yes tita nandito po kami sa bahay, nakatulog na po sya kaya hindi na po namin sya ginising.
BINABASA MO ANG
I Prayed for Countless Days
Novela Juvenilmasasabing perfect couple na sina Calem at Shantal, pero hindi maiiwasang subukin ang samahan nila. Ano nga ba ang dapat gawin ng dalawang nagmamahalan para lagpasan ang mga ito? Sapat na nga ba ang salitang MAHAL KITA para manatili sila sa tabi ng...