ZEPHYR'S POV
"Magandang umaga, lola." Nakangiting sambit ko sa aking lola na ngayon ay abala sa pagluluto ng umagahan.
"Oh! Magandang umaga rin sa'yo, apo." Saglit itong lumingon sa akin bago isinalin sa plato ang kanyang mga niluto.
Hindi ko ipinaalam kay lola ang nangyari sa akin. Ayaw ko kasing mag-alala pa siya. Ayaw kong dumagdag pa sa iniisip ni lola.
"Halina't tayo ay kumain na." Agad akong naupo saka ko sinimulan tikman ang kanyang mga niluto.
"Ang sarap naman po nito!" Magiliw na sambit ko kay lola bago ako tumikim ulit.
"Apo, umamin ka nga sa akin," napatigil ako sa pagsubo ko nang marinig kong nagsalita si lola, "Tanggal ka na ba sa trabaho?" Seryosong tanong nito sa akin.
"Po? Hindi po, lola." Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.
"Bakit isang linggo ka nang hindi pumapasok?"
"Ah! Sabi po kasi ng Boss ko, 'wag muna raw po akong pumasok kasi nasa ibang bansa raw siya. At hindi naman daw ako kailangan sa trabaho last week."
Sorry, lola. Ayaw ko lang po na mag-alala kayo sa akin.
Sumubo muna si lola ng bacon bago niya ako muling tinanong, "Ganoon ba? Kailan ka babalik sa trabaho?"
"Ngayon po. Tinawagan po ako ng Boss ko kanina, pwede na raw po akong pumasok."
"Bilisan mong kumain at baka ma-late ka pa." Napangiti nalang ako sa sinabi ni lola.
Sorry talaga, lola. Sorry kung nag-sinungaling ako.
Katatapos ko lang magbihis ngayon nang biglang pumasok sa kwarto si lola. "Apo, ito tanggapin mo," saka niya inabot sa akin ang perang hawak niya, "Huwag kang magpagutom sa trabaho. Tingnan mo nangangayayat ka na." Sabi niya saka siya lumapit sa akin at hinawakan ang aking dalawang braso. "Ang payat mo na talaga, apo."
"Nagpapasexy ako para sa Boss ko, lola." Pabirong sabi ko sa kanya.
"Gusto mong kurotin kita sa singit? Ikaw talagang bata ka." Natawa naman ako sa sinabing iyon ni lola.
"Sige po, lola. Mauna na 'ko, ingat po kayo dito." Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto.
"Good morning po, manong guard." Nakangiting bati ko kay manong. Napagdesisyunan ko na bumalik na sa trabaho para naman hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari sa akin noong nakaraang linggo.
Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako na baka maulit muli ang nangyari sa akin. Pero, kailangan kong tatagan ang loob ko.
"Good morning din sa'yo, iha." Nakangiting sambit din niya sa akin.
Hahakbang na sana ulit ako nang marinig ko ang boses ni Cristel. "Oh, my God! Is that you, Zephyr!?" Gulat na salubong niya sa akin.
"Okay ka na ba? Naku, sobra kaming nag-alala sa'yo." Sabi naman sa akin ni Sien matapos niya akong yakapin ng mahigpit.
"Bakit pumasok ka na? May sinabi ba si Sir na pwede ka ng pumasok sa trabaho?" Singit naman ni Jeanne.
"Sandali lang, isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban." Natatawang sambit ko sa kanila.
"Nagagawa mo pang tumawa? Parang walang nangyaring masama sa'yo last week ah? May ginawa bang masama sa'yo yung Smith na 'yon?" Tanong sa akin ni Sien.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
General FictionIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...