[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱.]
-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡
"Babe, bukas na flight mo diba papunta dito?" tanong ko sa girlfriend kong si Ari, pupunta siya ngayon dito sa germany kung saan ako nakatira at nagtatrabaho.
["Yes babe, yieeeeee excited na akong makita ka."] tuwang tuwang sabi niya sa kabilang linya. Sa wakas magkikita na ulit kami. 3 taon di ako nahiwalay sa kanya. Miss na miss ko na siya.
"Ako din babe. Nahanda mo na ba lahat nang mga gamit mo? Baka may nakalimutan ako ha? " tanong ko sa kanya.
["Oo babe nandito na lahat, nagdala di ako nang nga paborito mong kainin dito sa pinas. Ubusin mo toh ha, madami tong dinala ko."] sagot niya.
"Yun oh! Syempre uubusin ko yan lalo na ikaw may dala, ikaw din ba gumawa niyan babe? "
"Yung ilan ako gumawa, syempre diba gusto ko din mag-effort para sayo eh. Saka sabihin mo din sakin kung masarap ba, para gagawa pa ulit ako." sabi niya.
"Oo naman babe, kaya bilisan mo na pagpunta dito ha?" sabi ko sa kanya.
Hindi na ako makapagantay na makasama siya. Gustong gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at mahalikan sa labi. Buti at pinayagan siya ni tita na puntahan ako at nakapagipon din siya. Inambagan ko pa nga siya para mas mabilis siyang makapunta dito kahit ayaw niya dahil kailangan ko din daw mag-ipon dito lalo na para sa pamilya ko.
Kinabukasan. Ito na yung araw na susunduin ko siya sa airport. Hindi na ako makapagantay na ipasyal dito.
"Babe asan ka na?" sambit ko habang tinitingnan sa monitor yung mga flight na nagarrive na. Pabalik balik ang tingin ko sa monitor at sa pintuan upang salubungin siya.
Ayun siya na ata yun. Nakasuot siya nang bennie at nakabomber jacket katerno ko. Plinano namin yun para malaman ko kaagad na siya yun at malaman din niya kung nasaan ako. Agad akong lumapit sa may pinto at kumaway. Nung makita niya ako ang laki ng ngiti na binigay niya sakin. Si Ari na nga toh.
Pagkalabas niya ay agad agad siyang tumakbo papunta sakin at sinalubong ko naman siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Theo, miss na miss na kita." sabi niya sakin, habang minumudmoda ang mukha niya sa dibdib ko. Sobrang miss na miss ko siya. Hinalikan ko siya sa ulo at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
"Miss na miss din kita Ari." tugon ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi. "Punta muna tayo sa apartment ko at ipapasyal kita."
"Gusto ko yan." sabi niya sakin na malawak ang ngiti.
Pagkauwi namin sa apartment andun din yung mga iba kong kasama. Dalawang lalaki at isang babae ang kasama ko sa apartment. Mag-asawa ang isa sa kanila at may isang bata na anak nila. Nang makita nila si Ari, binati nila ito. Alam nilang girlfriend ko siya kase nakikita din naman nila si Ari pag nagvivideo call kami at binabati din nila siya doon. Kaya kilala din sila halos ng girlfriend ko. Pagkatapos naming makipagkamustahan sa kanila at iniwan ang mga bagahe niya sa kwarto ko, umalis na kami at ipinasyal siya.
"Grabe babe, sobrang lamig pala talaga dito noh. Kumakain ka ba dito nang maayos ha?, baka mamaya puro trabaho ka lang." paalala niya sakin. Niyakap ko siya sa likod habang patuloy kaming naglalakad at tumitingin tingin sa paligid. Gusto ko kase na nakadikit lang sa kanya magdamag.
"Minsan nakakalimutan ko. Pero bumabawi naman ako agad ng kain. Wala din kaseng kanin dito eh. Nakakain lang ako pa nauwi ako sa apartment." sabi ko sa kanya.