More than Friends

825 34 40
                                    

Narrator (May): Ang true friend maraming taon yan bago mahanap pero it lasts for a lifetime. Kaya sulit din, kahit na minsan may pag-aaway at hindi pagkakaunawaan ang importante ay nalalagpasan, nahahanapan ng solusyon yung problema. Masaya magkabestfriend, may kakampi ka, kasangga sa bawat problema mo,at pwede rin siyang tawaging kapatid, sa labas nga lang. parang kami lang yan ni Hanna bes.

Narrator: June 2012, pasukan na naman. 7:30 am flag ceremony sa Labschool. Inaannounce ang bagong csc officers para sa school year. Isa sa mga officers si May isang senior student , PRO ang pwesto niya.

May: Salamat sa lahat ng bumoto sa akin. Pinapangako ko na wala nang maaapi dito sa school at lahat ay magiging pantay pantay. Iiwasan natin ang mga kaso ng bullying at gagawin koang  lahat ng makakaya ko para matupad ko ang mga sinabi ko sa plataporma ko.

Hanna: Go May, kaya mo yan bes! Hoy, palakpakan niyo siya bestfriend ko yan. Ikaw umayos ka nga, sumigaw ka rin! (Hi bes, go!)

May: Special thanks din sa bestfriend ko, Hanna, thanks bes!

Narrator: (flashback) Oo, siya nga ang bestfriend ko simula pa nung grade 6. Nakita ko siyang binubully sa canteen noong uwian namin.

Bully: Bigyan mo ako ng pera o guguluhin ko ang porma ng mukha mo.

Hanna: Wala akong pera, iba nalang gulpihin mo, please…

Bully: Ano to? Lokohan. Pwede ba, sige na kahit magkano lang, pangmeryenda lang oh. Dali na habang nakamood pa ako.

Hanna: Sorry talaga. Wala eh, wala rin kaming pera eh.  Tsaka ang taba mo na, magdiet ka naman the.

Bully: Walanghiya ka. (pasuntok na)

May: (Inupakan ang bully tapos pumunta sila ni Hanna sa canteen at nilibre ni May si Hanna) Hindi ka ba marunong lumaban? Nga nga ka?

Hanna: Nakita mo ba yung katawan niya? Shunga ka?

May: Wow ah, thank you naman ah. Na-appreciate ko talaga.

Hanna: Aaahhh, thank you pala ah. First time lang may nagtanggol sa akin. Salamat talaga.

May: Lagi ka bang nabubully? Bakit hindi ka magsumbong? Libre naman eh.

Hanna: Hindi mo ba napapansin, isolated ako dito sa school kasi mahirap lang kami. Atsaka kung nagsumbong ba ako may gagawin ba sila? Eh di ba nga makapangyarihan kayo? Kaya niyong manipulahin ang mga tao sa paligid ninyo?

May: Teka, bakit kasama ako?

Hanna: Ako pala si Hanna, ang nag-iisang dukha sa paaralang ito…

May: At ako naman si……

Hanna: June, ang isa sa mga pinakamayaman dito sa school, at isa rin sa mga pinakamabait. (nagkamayan)

The next day, lunch sabay sina june at hanna, pinagtitinginan sila na parang may kakaiba.

Hanna: saan mo pala planong maghighschool?

May: bakit ba iniisip mo yan eh ang tagal tagal pa niyan.

Hanna: kami kasing mga mahihirap, ang buhay naming dapat may plano dahil kung hindi, hindi rin kami magsusurvive.

May: wag mo nga laging ineemphasize na mayaman ako. Para sakin, lahat pantay pantay. Maiba nga ako, ikaw ba san mo planong maghighschool?

Hanna: sa TSU labschool. Balita ko mga magagaling lang ang nag-aaral dun tsaka practical lang din ang tuition dun. At yung secret natin andun.

May: Secret? Ano na namang kalokohan yan ah?

Hanna: Si Jan, yung long time dream boy ko, bali-balita na dun din daw siya mag-aaral.

May: Oh talaga, stalker lang ang peg? Haha. Pero dun na rin ako mag-aaral, kasi dun ka eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon