Yung mainlove? Yes, it's normal. But make sure that you are loving the right person. Na-realize ko to nung tumatanda na ako eh. Nung hayskul kasi ako, ang isip ko basta magka-boyfriend lang. Ganun. Akala ko cool, hindi pala. Akala ko lang masaya.
Syempre pag single, sasabihin ng iba walang nanliligaw o walang nagkakagusto. Hindi po, namimili lang po talaga ako ng lalaking mahal ko at syempre yung mahal din ako. Sana. At yung pareho kaming single syempre. Okay to start this story...
Classmates kami since elementary. Hindi ko naman siya pinapansin noon kasi pandak siya. I mean, sa babae kasi pag mas matangkad sa kanya yung lalaki advantage agad yun. Bukod pa na laking Manila siya. Iba yung accent niya sa aming lahat. Hindi ako nai-impress nung ganun. So in short, hindi kami naging close nung elem. Mag-uusap lang kami kung kailangan. At sa tinagal-tagal naming naging magka-klase, hindi ko natandaang kinausap niya ako kahit man lang bilang kaibigan. Basta ang memorable sa akin noon eh nung Grade Two kami. Ako ang nabunot niya sa monito-monita. Uso noong 90's sa Chris Cringle yung sitsirya ang regalo tapos babalutin lang ng gift wrapper. Bengga! So nag-expect ako na ganun lang talaga ang regalo niya sa akin kasi ganun lang din ang regalo ko dun sa nabunot ko. Bwahahaha!
Hindi pa nagsisimula ang Christmas Party, nagpasama siya sa kaibigan niya(best friend niya pa rin hanggang ngayon), umuwi sila. Pagbalik niya nung hapon na yun, iba na yung lagayan ng kanyang regalo. Kinabahan ako, akala ko kasi naiba na yung nabunot niya. Pagdating sa room, nilagay nya yung gift sa table sa gitna. Yung nag-uumpukang mga gifts namin. Tapos, naupo siya sa isang sulok. Bihis na bihis. Party eh.
Hinintay namin magsimula ang program. Hindi niya ako pinapansin nun. Asa naman ako, di ba? Ayun, dumating yung part na mag-eexchange gift na kami. Natanggap ko yung regalo niya. Sabi ni ma'am: Okay, let us open our gifts now!"
Pagbukas ko, nagulat ako. Isang kahong chocolates saka isang pirasong panyo. Gad! I feel like a princess. Nakita ng mga classmates namin yung gift niya. Nagtuksuhan! To think na Grade 2 pa lag kami nun. Natuwa ako sa kanya. Ngumiti pa nga siya sa akin nun eh. Tapos ang nasabi ko lang sa kanya, THANK YOU!
Tapos nun, hindi na nasundan ng iba pang istorya. Lumipat ako ng Bulacan nung hayskul kami. Bale, hindi ko siya kasamang lumaki. Nung nalipat ako, hindi pa rin naman kami close. Kahit na nauso na ang cellphone nun. Nakakausap ko ang lahat ng classmates namin nung elem maliban sa kanya. Fourth year High School kami nung maging kami ng best friend niya. Doon kami nagkaroon ng communication. Minsan kasi pag lowbat si Jeff, sa kanya siya nakikitext. Minsan, natetext niya ako ng: hindi na kami magkasama ni Jeff eh, magtetext din maya-maya yun. Yun, hanggang ganun lang naman. Hindi kami yung malalim magkwentuhan. Minsan, magpapasko na noon. Magsisimbang gabi silang magbabarkada. Napagtripan nilang tawagan ako nang madaling araw na yun. Tapos, mas nakausap ko pa siya kesa sa bf ko. Kung ano-ano lang. Yun ang simula. Nag-break kami ni Jeff dahil sa mga hindi maiiwasang bagay. Hindi naman napag-uusapan yung naging relasyon ko sa kaibigan niya. Pero magkaibigan na kami. Lalo nung naging college na kami. Kasi lumipat na rin siya ng Caloocan nung college kami. Madalas kaming magkita kasama ang mga classmates namin sa mall noon, minsan sa Star City. Late college years, napapadalas ang pagkikita namin. Tapos nalaman kong bigla, nagka-GF siya. Yung muse namin nung elem.
Sabi ko nga okay lang. Magkaibigan pa rin kami. Nagka-BF naman din ako. Classmate ko. Mula noon, share kami ng problema sa love life. Hanggang sa, nagkahiwalay kami ng BF ko. Sa kanya ako umiyak. Nakipagkita ako sa kanya. Iniyak ko lahat ng sakit at panloloko ng lalaking yun sa akin. Ang nasabi niya pa nga sa kin: "Kasi, ba't di na lang si Jeff? Di ka sasaktan nun." Hindi ko siya sinagot.
Para i-comfort niya ako sa mga pinagdadaanan ko, nlilibre nioya ako ng sine. Namamasyal kami, kumakain, nagkukwentuhan. Ganun nang ganun. Lately, nung umuwi ako ng probinsiya hindi kami nagkasabay. Nalaman ko na nag-brek na sila ng GF niya. Namasyal sa bahay yung mga kaklase namin nung elem kasama yung ex niya. Napag-usapan namin ang love life syempre. Sabi ko sa ex niya: "Lai, bumalik pala ng Manila si Conrad kahapon?"
"Oo." Sagot niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ewan ko dun. Paano mo nalaman?"
"Ka-text ko siya eh."
"Ey! Lai! Si Nelyn, ka-text. Ikaw hindi? Wala ka pala eh!" Pang-aasar ni Ryan.
"Hindi ah. Dati na talaga kaming magkatext nun. Love life ko ang topic." Pagtatanggol ko sa sarili.
Tapos biglang natahimik si Elai.
Naging uneasy na tuloy ako sa kanya mula noon. Parang may gusto akong itanong na nahihiya akong gawin. Sabi ko nalang sa sarili mag-oopen din yun pag feel niya.
Lumipas ang mga araw, bumalik na rin ako ng Manila para magtrabaho. Dahil close kami tinatanong ko siya kung kelan siya ulit uuwi ng probinsiya. Bigla-bigla kasi ang alis niya. Sabi niya ayaw niyang umuwi. Kinulit ko siya ng kinulit. Umamin.
"Masakit brad! Dito muna ako. Hindi ko pa kayang mag-stay sa probinsiya."
Araw-araw, puro ganun.
Day 2: "Iinom muna ako baka makatulog!"
Day 3: "Tae, tuwing pipikit ako siya ang naaalala ko!"
Day 4: "Masa mahal ko pa nga siya sa buhay ko eh."
Ganun nang ganun, hanggang sa nasanay na ako. Okay lang sa akin, noon anman ako ang umiiyak sa kanya dahil sa bf ko eh. Andun siya para i-comfort ako. hindi ko siya iniwan tulad ng ginawa niya sa akin noon.
Pag trip namain pareho, lumalabas ulit kami. Nonood ng sina, umiikot sa mall, nagpapa-tattoo, nanti-trip. Hanggang sa lumilipas ang araw, nahuhulog na ako sa kanya. Hindi niya alam. Ayokong ipaalam. Kasi kaibigan lang ang turing iya sa akin.
Last week nagtext ako sa kanya ng: "Brad! Lenya! Yung co-teacher ko, nirereto ako dun sa anak niya! NOOOOOOOO!"
"Oh, akala ko ba gusto mo na magka-boyfriend?"
"Ha? Eh yon? 33 y/o? Mataba? Mama? Hindi naman ganon.."
"Choosy? Haha!"
"Syempre dapat yung gusto ko. Mahirap anamn yung hindi ko gusto tas papatulan ko."
"Hindi ka nga magkaka-BF niyan pag ganyan ka."
"Grabe! Edi ikaw, kung gusto mo."
"Lalaki? Haha! Di ako bakla no."
"Alam ko."
"Saka na ako, wala pa akong nakikitang GF to be eh." (Aray ko po! Sakit ah!)
"Ikaw pala tong choosy eh."
"Noon pa no. Haha. Saka di pa ako ready." (Aray ko po ulit.)
Dati, hindi naman kami ganito eh. O baka ako lang? Pero sige, marami pang mangyayari....