Kabanata 32
New Life
Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at nag-unat ng katawan. Agad namang pumasok ang malamig na hangin sa bintana habang mataas na ang araw. Pumunta ako sa banyo ng kwarto ko at naligo na. Nagbihis ako at bumaba na. Amoy ng niluluto na tapa ang naamoy ko na agad na nagpakalam sa tiyan ko.
"Ang sarap naman niyan!" Malakas kong sabi habang papunta sa kusina. Naroon ang kapatid kong si Arjon na siyang nagluluto ng tapa.
Lumapit naman ako sa kanya at pinanood kung paano siya magluto. Kumuha naman ako ng tinidor at kumuha ng maliit na piraso ng tapa. Napahanga na lang ako.
"Ikaw nagtimpla niyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ang mokong, proud pa na ngumiti at tumango.
"Tss. Ako pa ba, ate?"
"Tama 'yan, Jo. Pwede ka nang lumayas." Biro ko.
Tinapik ko lang ang balikat niya at nagtimpla ng kape ko. Si Marlon naman ay nasa sala at mukhang nanonood ng news. Nang matapos magluto si Arjon ay umupo na kaming tatlo sa hapag. Nagdasal muna kami at nagsandok na.
"Ate, pupuntahan ko nga pala sa mama mamaya." Sambit ng kapatid ko habang kumukuha ako ng ulam.
Tumango naman ako. "Bumili ka ng bulaklak, ha. Lon, sumama ka din mamaya." Nagsimula na akong kumain.
Second anniversary kasi ngayon. Kaya dapat may dala kaming bulaklak. It's been years, sa wakas natapos na rin ang madilim na kabanata ng buhay namin.
"Ano bang magandang bilhing bulaklak para kaya tita?" Tanong ni Marlon.
"Sunflowers." Bahagya akong ngumiti. Naalala ko naman bigla si Jaja.
"Bagay ba sa café 'yon, 'te?" Nakakunot-noong tanong ni Arjon.
Napairap naman ako. "Aba sa malamang! Sa tingin mo ba sasabihin ko 'yon kung hindi bagay?"
Second anniversary ng café-restaurant ni mama ngayon. Maaga siyang pumasok kanina dahil kakausapin pa daw niya ang mga staffs niya. Mama's been a breast cancer survivor for two years, last week. Noong mga panahon na 'yon, hindi talaga madali. Dumaan kaming pamilya sa nakaka-down na mga pangyayari, but we kept fighting. Ngayon, okay na ulit kami at magaling na si mama.
I'm so proud of her. I admire her strength and strong will. Mahal na mahal na mahal ko si mama. Pinagkukunan namin ng lakas ang isa't isa kaya narating namin 'to. I'm willing to sacrifice everything for my family, even if it takes my happiness in exchange. Tama ang ginawa ko, ang desisyon kong 'yon.
Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho mula dito sa Cavite papunta sa Manila kung nasaan ang trabaho ko. I bought this car second-hand kaya nakamura din. Magaling sa pera si mama kaya, nakapagpundar kami ng café niya at may loan para sa bahay namin ngayon sa Dasmariñas. Hati kaming tatlo nina mama at Tita Nanet sa pagbabayad ng loan sa bahay. Nagdesisyon kasi sina mama at tita na tumira na lang sa iisang bahay.
Hiwalay na rin sina mama at papa, almost two years na. Three years ago, nasa ilalim kami. Pero ngayon, unti-unti nang bumabangon.
"Good morning, Ashley!" Bati ng iilan sa mga staff dito sa office.
"Oh my gosh, Ashley! Nakita ko na si Pietro!" Kinikilig na lumapit sa table ko si Val, tinutukoy ang gwapong foreigner na model ng February issue sa Belle Magazine last month, kung saan kami nagta-trabaho.
"Ano? Nakita ka rin ba?" Umupo ako sa swivel chair ko at inilabas ang laptop. Inilapag ko ito sa harapan ko.
"Sadly, hindi! Kaloka!" Ngumuso si Val kaya natawa na lang ako.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...