kinuha ko ang floral dress at itinapat yon sa katawan ko tsaka nanalamin. "what do you think?" tanong ko kay Mark tsaka siya nilingon
"isukat mo, para makita natin" ngumiti siya.
"Oo nga po ma'am, doon po ang fitting room natin" tinuro niya ang fitting room na nasa dulo, tumango ako at kinuha ang iba pang mga damit na nasa sofa kung asan si Mark.
"ako na" tumayo siya at pilit inaagaw sa akin ang mga damit. "no, ako na" umiling ako pero patuloy parin siya sa pag agaw neto, ngumisi ako nung may biglang kademonyohang pumasok sa isip ko "gusto mo ba ako makitang magsukat ng damit?" tinignan ko siya ng nakakaloko, narinig kong natawa din yung saleslady na nasa likod namin, "kasi kung oo, pwede naman" kinagat ko ang pang ibabang labi ko at kinindatan siya.
sa loob-looban ko:
OMG CAMYLLAH WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! THAT WAS SO EMBARRASSING!!!
isip ko:
GANTI! REVENGE! GANTI! REVENGE! GANTI! REVENGE!
"ohmygosh" dinig kong sabi nung saleslady tsaka tumawa ng mahina. Napapansin ko na ding pag may dumadaan sa harap namin ay matic lilingunin nila kami ni Mark
narinig ko siyang bumuntong hininga, luminga-linga siya sa paligid na parang naninigurado na dapat walang makarinig ng sasabihin niya. Agad niyang binitawan yung mga damit at nag smirk bago ako tinignan ng diretso sa mga mata, "ang sabi ko tulungan kita dalhin yung mga damit na isusukat mo, walakong sinabi na sasama ako sa loob. Unless, gusto mokong sumama sa loob" nginitian niya ako ng nakakaloko
"Do you want me to be the mirror instead?" mas lumaki ang ngiti niya tsaka pinag krus ang mga kamay sa tapat ng dibdib.
agad ko siyang tinignan ng masama dahilan para matawa siya ng malakas, "bastos" tsaka ko siya tinalikuran at dumiretso na sa fitting room para isukat yung mga damit na bibilhin ko sana.
luminga linga muna ako sa paligid, mamaya may nakasilip o may CCTV pala sa may bandang dito ma-jockpot tayo. "mabuti nang naninigurado"
nung mapansin kong clear ang paligid ay hinubad ko na ang hoodie na pinahiram ni Mark at yung shorts niya. Isinabit ko muna iyon sa sabitan na nasa tabi ng mirror sa harap at tsaka sinuot ang floral dress.
humarap ako sa salamin at inusising mabuti ang dress if bagay ba siya or hindi nung may biglang kumatok. "Hey, can I see?" boses ni Mark. "wait" sagot ko sabay ayos ng dress pati na rin ng buhok ko. Binuksan ko na yung pinto at lumabas, "wow" yon ang unang word na narinig ko pagkalabas ng fitting room.
"ang ganda niyo po ma'am, bagay na bagay po sa inyo!" nakangiti yung saleslady sa akin at tumatalon talon pa. Si Mark naman ay nakaupo sa sofa at nakatingin lang ng diretso sa akin.
"what do you think? bagay ba?" tanong ko sabay turo ng damit na suot ko. Ilang segundo ang lumipas pero hindi parin siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin kaya tinignan ko uli yung damit "pangit ba? Hindi ba bagay?" ngumuso ako at pinagmasdan ng mabuti ang damit na suot ko. "Ate okay naman diba?" tanong ko doon sa saleslady. Tumango siya, "opo ma'am, bagay na bagay nga po sa'yo eh!" tsaka siya pumalakpak
"I didn't say it's not bagay, you look..." mula sa damit ay ibinaling niya ang tingin sa mukha ko. "wonderful"
hindi ko alam pero parang biglang nagsitayuan ang mga buhok ko sa ulo ko, bigla akong kinilabutan sa sinabi niya idagdag mo pa yung tingin niya.
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...