Natigilan ako sa sinabi nya.Natulala ako ng ilang sigundo at nawala din agad yun at nginitian sya.
"Ikaw? sasakalin ako?Ha! Sino maniniwala sayo?!"hindi ako naniniwala sa kanya na kaya nyang mangsakal dahil sa bracelet na yun.Linabanan ko naman ang tingin nya.
Hindi sya nagsalita at nanatiling matalim ang tingin sakin.
Awkward naman kailangan ko magisip ng paraan para makaalis sa braso nya.Alam kona!
Lulusot na sana ako sa baba ng braso nya ng bigla nya akong hilahin at pinatayo ng tuwid.At lalo akong nabigla sa sunod nyang ginawa.
"H-hindi a-ko nak-kakahin-nga!"Hirap ako magsalita dahil sinakal nya talaga ako.
"A-ano b-ba!"Nabitawan ko ang bracelet kaya naman binitawan nya na ako.
Napaupo ako habang naghahabol ng hininga.
"Kaya mong manakal ng dahil sa bracelet na yan?!Ano yan!Bigay sayo ng girlfriend mo?!Grabe ka!Yan lang nanakal ka hmp!" Sigaw ko sa kanya habang nakaupo parin at naghahabol ng hininga.
Nang makahinga nako ng maayos ay sumandal ako sa pader na nasa likod ko.
Tiningnan ko sya ng masama at nagtaka ako sa paraan ng pagtingin nya.
Yung tingin na nag-aalala sya.
"S-sorry,ayos ka lang ba?" Natigilan naman ako dahil sa tanong nya.
Whew si nathan bato?marunong mag-alala?
Hindi ako sumagot at binigyan sya ng nagtatakang tingin.
Umupo sya sa tabi ko.
"Hindi naman talaga to galing sa girlfriend ko,Galing to sa mama ko na namatay.Eto nalang ang alala na naiwan nya sakin."
"A-ano?" Kahit nadinig ko ang sinabi nya ay gusto kong paulitin para makasigurado.
Kasi naman,Nathan na bully kung maka-emote tsk.tsk.tsk.
"Wala! kalimutan mo na lang na may sinabi ako sayo"Tumayo sya bitbit ang bracelet at naglakad kinuha ang bag bago umalis.
Naiwan naman akong tulala.Ilang sigundo rin bago ako nabalik sa huwisyo.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room.
Bababa na sana ako sa hagdan ng building ng bigla akong hilahin ni Kate!
"Sam...naaalala mo diba yung hinila kita dati sa rest room?" Tanong nya.
"O-oo bakit? Diba sabi mo kalimutan ko na yun?" Pilit na ngiti ko.Ang totoo kinalimutan ko na talaga yun.
Kung titingnan mo kasi si kate,parang maarte pero ang totoo masayahin sya.Na parang sa TOTOONG kaibigan nya lang pinapakita.
"Talaga?Sige...Uhmm sabay na tayo palabas" Tumango naman ako.
Masaya naman sya kasama eh.
Lagi nya nga lang sinasalungat si Pan.~~~
Nasa parking lot na kami at nagpaiwan na ako dahil nag text nako kay kuya CJ.
Ilang minuto akong naghintay bago dumating si kuya CJ.
"Pasensya na ho kayo ma'am Sam,Kanina pa po ba kayo dyan?" Tanong ni kuya CJ nang makapasok ako sa kotse.
"Di naman ho,maaga lang kami pinauwi." Tumango siya at nagsimula na magdrive.
Kinuha ko naman sa bag ko yung phone ko at earpods tsaka sinalpak sa tainga ko at nakinig ng musika.Paborito ko ang mga kanta ni Justin Bieber.
BINABASA MO ANG
Scar
AcakSi Samantha Rewis ay maganda,mabait,makulit at mayamang bata ngunit noong 6 years old pa lamang sya ay nawalan ng magulang.Nang pinagaral ulit ay nakilala nya si Nathan, Sya'y sikat sa eskwelahan na papasukan ni sam Cold,Mayaman,May bait na itinatag...