Angry or hungry?
HINDI mawala sa isipin ni RK ang naging reaksyon ng mukha ni Miya nong sinabi niyang hindi muna siya uuwi. Lingid sa kaalaman ni Miya ay bahagya niya itong tinapunan ng tingin bago umalis kanina kaya nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito.
Padabog niyang inilapag sa ibabaw ng table niya ang hawak na ballpen, hindi siya makapag concentrate at dinadalaw siya ng kanyang konsensya sa maghapong pagtrato niya dito.
Sinipat niya ang oras sakanyang pambisig na relo, napabuga siya ng hangin ng makita ang oras, alas nueve na kaya napagdesisyonan niyang ipagsabukas nalang ang trabaho.
Tumayo siya at tinungo ang pinto, kailangan na niyang umuwi dahil hindi nalang siya ngayon ang nakatira sa kanyang condo,dalawa na sila at siguradong nagugutom na ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang bubungad sakanya pagbukas ng pinto!
Si Miya at ang kanyang Secretarya!
Magkayakap ang dalawa, rinig na rinig niya ang mga tawa ng mga ito at bahagya pang tumatalon- talon.
Ang konsensyang bumabagabag sakanya kanina lamang ay napalitan ng galit. Kumuyom ang kanyang mga kamao, nagtagis ang panga at nandilim ang kanyang mga paningin.
Bago pa man siya makapagpigil ay nakita na niya ang sariling sinusugod ang mga ito.
"What the hell are you both doing!"
Napatigil ang dalawa at mabilis na napabitaw sa pagkakayakap ng marinig siya pagkatapos nanlalaki ang mga matang napatingin sakanya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalawa bagkus ay pagalit niyang hinila si Miya at tinapunan ng masamang tingin ang kanyang sekretarya.
"Are you both enjoys flirting each other infront of my office?!"
Galit na tanong niya, sasagot na sana ang dalaga pero agad niya itong pinigilan sa inis.
"Shut up! I don't want to hear your explanation! It disgusting!"
Napatutup ang dalaga sa bibig ng marinig ang sinabi niya pero halata sa mukha nito ang pagkadisgusto. Kumunot ang kanyang kilay! Ito pa ang may ganang magalit? Nang ang sekretarya naman niya ang magsasalita sana ay pinukulan niya ito ng masamang tingin at galit na sinigawan.
"Don't you dare to talk! I'm more disguted in you! How could you do this? How could you!"
Hinila niya sa braso si Miya at kinaladkad paalis at iniwang mag-isa ang nagtatakang sekretarya niya. Nanlaban ang dalaga at pilit na binabawi ang braso, alam niyang nagtataka ito sa ikinikilos niya pero wala siyang piki-alam nilalamon na siya ng galit!
"Ano na naman bang kinagagalit mo? Napaka abnormal mo talaga! Kanina di ka namamansin, ngayon kung makahila ka wagas! Aray ko ano ba! Ano bang problema!?
Sunod sunod nitong tanong pero hindi niya pinansin. Wala siyang balak sagutin ito masyado siyang nilalamon ng galit para magsalita.
Sumakay sila sa Elavator at ilang minuto lamang nakarating na sila sa baba, kinaladkad niya ulit ito papunta sa parking lot at galit na itinulak sa loob ng kanyang sasakyan. Pumasok siya at galit na pinaharurot ito ng mabilis!
-
PAKIRAMDAM ni Miya ay humiwalay ang kaluluwa niya sakanyang katawan sa sobrang bilis ng pinagmaneho nito at ngayon ngay manginig nginig ang kanyang mga binti at parang ayaw bumaba ng makarating sila sa harap ng building ng condo nito, napansin iyon ng binata nagulat nalang siya ng bigla siya nitong binuhat na parang sako kaya nahilo siya.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Nahihilo ako bitawan mo nga akong walang hiya ka!"
Kumulo ang kanyang dugo ng sa halip na sumagot ay pinalo nito ang pwet niya!
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...