A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT YOUR THOUGHTS.
HAPPY READING ZSCARLETS. ^_^CHAPTER 21
Ginabi na ako sa pagdidikit ng poster nila Ate at JM. Nasa abangan na ako ng jeep at naghihintay ng masasakyan. May paparating na jeep kaya inihanda ko na ang sarili ko. Siguradong unahan na naman ito. Rash hour din kasi kaya marami ang naghihintay na pasahero.
Nang malapit na ang jeep ay nag-una unahan na ang mga pasaherong nagmamadali nang umuwi ng kanya-kanya nilang mga bahay. Nakasingit ako, naitapak ko na ang paa ko sa hulihan ng jeep ng may tumulak sa akin. Muntik na akong matumba. Mabuti na lang at naibalanse ko kaagad ang katawan ko. Nang dahil doon ay hindi ako nakasakay ng jeep dahil punong-puno na.
Wala akong nagawa kundi ang mag-hintay ulit. Limang minuto na ang lumipas pero wala pa ring jeep na dumadaan. Kailangan ko pa namang gumising ng maaga bukas dahil marami-rami rin ang naiwan kong trabaho sa University.
"Jenny!" may tumawag sa akin kaya iginala ko ang tingin ko. Nakita ko ang isang lalaking nakahelmet habang nakasakay sa isang scooter na kumakaway sa akin. Itinaas niya ang salamin ng helmet niya kaya nakita ko ang mukha niya.
"Timothy!" agad akong lumapit sa kaniya.
"Sabay ka na sakin. Mukhang hindi ka na makakasingit sa dami ng pasaherong naghihintay dito." Iniabot niya sa akin ang isang helmet.
"Naku okay lang ba?" nakakahiya namang makisabay sa kanya kahit na malaking tulong nga na dumating siya dahil baka madaling araw na nga akong maka-uwi kapag hindi pa ako naka-sakay.
"Oo naman. Magkapit bahay lang din naman tayo." Iniabot niya ulit iyong helmet na hindi ko tinanggap. Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa alok niya. Kailangan ko rin naman nga na umuwi ng maaga.
Isinuot ko ang helmet sa akin at sumakay na sa likudan ng scooter niya. Medyo malayo ang apartment namin sa sakayan ng jeep kaya mahaba-haba rin ang biyinahe namin. Nakadagdag pa na traffic sa daan.
Eight thirthy na kami nakarating sa apartment.
"Salamat talaga Timothy. Kailangan ko rin kasing matulog ng maaga ngayon para sa trabaho bukas. Mabuti na lang talaga at napadaan ka sa sakayan." Iniabot ko sa kanya ang kakatanggal ko lang na helmet niya.
"Walang anuman iyon." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige na. Maraming salamat ulit. Pasok na ako. Ikaw rin pumasok ka na." kumaway ako sa kanya at tuluyan na ngang pumasok sa apartment ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nakakapagod din ang araw na ito. Napagod na nga ako kahapon, napagod pa ko ngayon.
Mukhang mas malapit na talaga ako kay Mama ngayon. Sa dami ng iniisip ko ay nakatulog na ako ng hindi manlang nakapag-palit ng damit.
Pag-gising ko kinabukasan ay agad akong naligo dahil iba na ang amoy ko. Hindi na ako amoy tao. Pagkaligo ay nagluto ako ng almusal. Nakarating ako sa University ng mga alas-sais ng umaga.
Kakaunti pa lang ang mga estudyante ng maglakad ako pagkapasok sa gate. Tahimik lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa office ko. Dire-diretso ako sa pagpasok sa office ko na hindi iniisip na may kasama nga pala ako. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napapikit.
Inabutan ko lang naman si Sir Alvarez na top less at nagpupunas ng towel sa dibdib at balikat niya. Nakapikit lang ako at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko. Ano ka ba naman Jen. Nakakahiya ka.
Narinig kong naglakad siya dahil rinig ang tunog ng paglapat ng sapatos niya sa sahig. Kahit na wala kong sinabi ay hinihintay kong sabihin niya na buksan ko na ang mga mata ko kapag nakapagbihis na siya. Kinabahan ako bigla ng marinig na papalapit sa akin ang tunog ng sapatos niya. Bumubilis na rin ang paghinga ko sa kaba.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...