Umpisahan natin ang kwento tungkol sa isang babaeng magulo ang isip, si Andy. Isang klase ng babaeng walang iniintindi, padaskol daskol sa lahat ng bagay, come what may ika nga nila. Isang dalagang disisais anyos na walang kapanga pangarap. Madalas pagalitan ng kanyang nanay at tatay dahil sa natutong tumambay, makipag barkada at ni hindi mo kakikitaan na may goal o target sa buhay. Nakatira sya sa bayan ng Malabon kung saan naglipana ang mga kabataang sa gabi gising at tumatambay, at tulog naman sa umaga dahil sa puyat. Marami syang naging kaibigan na basagulero, tomador at masasabi mo ring mga babaeng kagaya nya na mas nanaisin na pakainin na lng sila habang buhay ng kani kanilang mga magulang. Kadalasan na umuuwi silang mga lasing dahil sa kung saan saang birthday sila napupunta at napapainom. Maganda si Andi, kung kayat may mga kalalakihan ang nagpapahaging na gusto syang ligawan. Yun nga lang ay nagdadalawang isip sila dahil mas lalake pa raw gumalaw ito sa kanila, at ni hindi rin nagpapakita ng interes si Andi sa lalake kung kayat lalo syang pinaghihinalaan na sya ay tibo.