Ang lakas ng paghampas ng hangin sa bintana ko. Yung totoo may bagyo ba? Pero hindi ako natatakot. Hindi ko iniisip kung biglang bubukas yung bintana ko tapos susunduin ako ng mga maligno.... weird no? Lagi yang tumatakbo sa isipan ko dati.
Pero ngayon.....
“I love you.”
Pakisampal nga ako? Nang makabalik ako sa katinuan?!
Tama ba kasi yung narinig ko kanina? Oo kanina lang yun. kani-kanina siguro? Kasi past 2am na. Jusko hanggang ngayon di ako makatulog.
Those three words kept on echoing inside my head. Simple, yet meaningful. Short, yet powerful.
“Denise!!! Matulog ka na ngaaaaaaa......” panenermon ko sa sarili ko.
Tama na yang kakaisip mo? Nung sinabi niya yun ano bang ni-reply mo?
“Ahhh... K. Goodnight.”
WAAAAAAAA! SHUNGA KA!!! Dalawin ka sana ng mga maligno ngayong gabi!!!! :(((((((
Bat nga ba yun yung nasabi ko sa kanya? The hell?! Engot mo girl! Ewan ko ba! Matutulog na nga! >//////////<
~ Dustin’s POV ~
Pwedeng mag mura?
Bawal? Sige censored na lang.
@#$%^&*()*&^%$#%^&*(*&^%$##$%$^&*()()(*^&^%%^!!!!!!!!!!! %^&*^%$#% MO KA DUSTIN!!!
Anong nakain mo at bigla mo yung nasabi? Ayos ah? Da-moves ba pare? Ah wala na, malakas na tama ko. Tignan mo nga eh kinakausap ko na sarili ko.
Out of nowhere kasi.
Tapos eto pa.
“I love you.”
“Ahhh... K. Goodnight.”
T*ngnang yan! I love you ‘tas goodnight? Putris. Dinaig pa yung nag I love you ka tapos thank you yung sinagot sayo. Badtrip. Anong problema nun?
Ayan, pano ka ngayon? Puyat nanaman psshhh! Lampas alas dos na kasi ng madaling araw. Di ako makatulog kakaisip sa kanya.... I mean sa sinabi ko.
Pero ang malaking katanungan niyo....
At katanungan ko na rin sa sarili ko.......
Bakit ko nga ba yun nasabi?
~ Denise’s POV ~
Nagmamadali na akong pumasok ng classroom. Hindi naman sa late na ako.... ayoko lang muna kasi makasabay sa paglalakad si Dustin. Alam niyo na....
“I love you....”
DUG DUG!!!!! Sigaw ng puso ko! S—saan naman galing yun????
Pagkatingin ko sa gilid. >_______>
Hmp. May lovers lang pala, umagang umaga naglalandian. Tch! Ako na bad morning. Eh kasi naman mga 4am na ata ako nakatulog.
“Oh? Anyare sayo?” –carla
“Good morning Carl” bati ko sa kanya habang wina-wave yung kamay ko.
“Don’t call me “Carl” Denise, hindi ako lalaki at baka nakakalimutan mo may k-klase tayong pangalan ay Karl.” –carla
“Okay whatever Carl.” Inirapan na lang ako ni Carla. Pasensya na wala talaga ako sa katinuan ngayon. Aishhh. Onga pala, may Karl nga pala kami. Yung laging nakakahula na kasal kami ni Dustin..... ni Dustin.....
ni Dustin....
Dustin..........
“Oi pare! Dyan ka na pala. Tara may balak na kami sa laro bukas.” –Toffer