*1 Message Received...*
Roy: Hi Gy!
Gy: Oh?
Roy: Sungit naman!
Gy: Bakit ba?
Roy: Para nag-hi lang. Masama ba?
Gy: Oo
Roy: May regla ka ba?
Gy: Busy ako 'wag kang pang-abala.
Roy: Ano bang ginagawa mo?
Gy: Wala ka na do'n.
Roy: Baka nakakalimutan mong may utang ka pa sa'kin.
Gy: Utang?
Roy: May isang dare ka pa sa'kin.
Gy: Ang tagal na no'n, naalala mo pa?
Roy: Syempre naman, kaya ngayon maniningil na ako.
Gy: Busy nga ako!
Roy: Ano ba kasing ginagawa mo?
No Reply
Roy: Hoy!
No Reply
Roy: Gy!
No Reply
Roy: Baby!
Gy: Baby mo mukha mo! Gago!
Roy: Dali na! Date tayo!
Gy: Tantanan mo nga ako! Natalo tuloy ako, bwisit ka!
Roy: Naglalaro ka na naman ng candy crush 'no?
Gy: Oo, at minalas ako ng magtext ka.
Roy: Ouch naman Gy. Masakit 'yon!
Gy: Bwisit
Roy: Date na kasi tayo!
Gy: Ginagago mo ba ako?
Roy: 'Yon ang dare ko sa'yo!
Gy: Gago ka talaga, close ba tayo?
Roy: Ouch ha, ang sakit mo magsalita ha. Para mo na ring sinabi na baliwala 'yong pagkakaibigan natin.
Gy: Arte mo.
No Reply
Gy: Pa-guilty ang peg Roy?
No Reply
Gy: Hoy
Roy: Oh?
Gy: Oh? Ano na?
Roy: Ano?
Gy: Ano na?
Roy: Anong ano na? Gulo mo eh.
Gy: Ano bang date ang gusto mo? 1am na oh.
Roy: Virtual
Gy: Ha?
Roy: Virtual Date!
Gy: Wala akong load pang-video call sa'yo. Mga trip mo talaga, oo!
Roy: Pwede namang sa text lang tayo mag-date. Solve na ako do'n!
Gy: Nababaliw ka na talaga
Roy: Baliw sa'yo ;)
Gy: Hoy, dare lang 'to 'wag kang epal ha
Roy: Oo nga, be my girlfriend even for two hours, and have a date with me. That's the dare.
Gy: Ayaw ko!
Roy: Wala ka ng magagawa ;) Date na 'to oh, ka-text mo na nga ako eh. Hi Babe! ;)
Gy: Yuck!
Roy: Isusumbong kita kay Ate Yassi!
Gy: OO NA! BWISIT!
Roy: Ayieee, hi Baby Gy!
Gy: Hi
Roy: Wala bang Baby Roy?
Gy: Abusado ka na
Roy: Dali na kasi, lagot ka talaga kay Ate Yassi!
Gy: Hi Baby Roy! Happy?
Roy: 'Yon naman! Isipin mo na lang na kaharap mo ako ngayon.
Gy: Iniisip ko pa lang nandidiri na ako.
Roy: Isipin mo rin na nasa isang table tayo, candle light dinner.
Gy: Tapos?
Roy: Tapos may sunflowers ako na binigay sa'yo, 'yong favorite mo.
Gy: Tapos may balloons sa paligid.
Roy: Tapos may petals din. Then may background music, 'yong Fall For You by Secondhand Serenade.
Gy: Tapos maraming ilaw sa paligid.
Roy: Tapos yayayain kitang sumayaw.
Gy: Sa tingin mo papayag ako?
Roy: Panira ka naman. Syempre oo.
Gy: Tapos?
Roy: Yayakapin kita ng mahigpit.
Gy: ...
Roy: Tapos hahalikan kita sa noo.
Gy: ...
Roy: Whoa sakto 'yong fireworks, nakikita mo ba?
Gy: Malamang.
Roy: Ang ganda 'no? Parang ikaw lang.
Gy: ...
Roy: I love you Gy.
No Reply
"I love You, too Roy." -Gy
YOU ARE READING
Dare And Fall
RandomKasabay ng pagsabog ng makukulay na fireworks sa kalangitan ay ang pagsabog din ng nararamdaman nina Roy at Gy. Mauwi kaya ang dare sa totohanan? An entry to Wattpad Imagines: Your Dream Date (Writing Contest) #RomancePH #FireworksFestival